Jake Cuenca, Rabiya Mateo naispatan sa BGC, magka-date yarn?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang mga larawan ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca kasama ang Kapuso actress na si Rabiya Mateo habang naglalakad sa Bonifacio Global City (BGC).
Isang netizen mula sa Reddit ang nag-post kamakailan matapos niyang makunan ang dalawa na naglalakad at magkasamang kumakain sa isang restaurant.
“Please don’t bash them, baka they want to be seen naman talaga na magkasama in BGC hehe ,” saad ng Redditor na nag-post sa larawan nina Jake at Rabiya.
Pagpapatuloy niya, “PLEASE PLEASE NO BASHING! LET THEM ENJOY THINGS GOIZZZ.”
Baka Bet Mo: Jake Cuenca chapter closed na kay Chie Filomeno, focus muna sa trabaho
Agad namang umani ng samu’t-saring komento mula sa mga Redditors ang naturang post patungkol kina Jake at Rabiya.
Marami ang positibong komento para sa Kapamilya actor at nagsasabing mukhang naka-move on na ito mula sa dating karelasyon at ready na uling magmahal.
“Tinapos ni Jake ang 3 month rules, move on na talaga siya,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “They look good together naman. Hilig niya ata beauty queen hehe”
“Mahilig talaga sa BQ si Jake pero wala namang masama kc pareho naman silang single at walang ibang tao na masasaktan,” sey naman ng isa.
Matatandaang naging kontrobersyal ang break up ng Kapamilya actor sa dating karelasyon na si Chie Filomeno noong October 2025.
Kinumpirma rin ni Rabiya sa kanyang naging panayam kay DJ Chacha na single na siya at hiwalay na sa dating karelasyon.
Bagama’t walang sinabing pangalan, aware naman ang lahat na si Jeric Gonzales ang huli niyang nakarelasyon.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag sina Jake at Rabiya hinggil sa estado ng kanilang relasyon.
The post Jake Cuenca, Rabiya Mateo naispatan sa BGC, magka-date yarn? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments