Dianne Medina dream come true maging CEO, Rodjun proud live seller: Hardwork ‘yan!

PAGSUSUMIKAP at tiyaga.
ito ang kumbinasyong ginawa ng TV host-content creator at live seller na si Dianne Medina para ma-achieve ang kanyang childhood dream na maging Chief Executive Officer o CEO ng sarili niyang kumpanya.
Kahapon nang tanghali, March 21, pormal nang ini-launch ang DM Studios (Dianne Medina Studios) na pag-aari ng misis ni Rodjun Cruz para sa sarili niyang Live Commerce at Creator Agency.
Kasama ni Dianne sa kumpanya ang asawang si Rodjun bilang Vice President for Marketing at PR, samantalang ang pinsang buo na super close ni DM na si Maxine Medine ay VP naman for Sales.
Baka Bet Mo: Dianne Medina proud sa investment nilang magkakapatid: Fulfilling our Dad’s Wish!
Unang tanong sa Presidente at CEO ng DM Studios ay bakit kapamilya niya ang kasama niya sa kumpanya, may kasabihan kasi na nagkakaroon ng hindi pagkakasundo kapag magkakapamilya pagdating sa negosyo kasi kanya-kanyang istilo iyon.
“I guess the advantage would be we know each other really well and alam na namin ‘yung foundation ng live selling. ‘Yung kasing dynamics namin we share the same values and goals,” sey ni Dianne.
Patuloy niya, “So hindi na ako nagdalawang-isip na isama ang family members and the team na kasama po namin at pare-pareho kaming may assignments.”
“It’s a live-selling agency, a live commerce platform where in we help brands, audiences and of course celebrity influencers also. So basically, we mount live streams into high converting live selling,” paliwanag pa niya.
Kaliwa’t kanan na ang nagla-live selling ngayon at sa katunayan ay pawang mga kilalang personalidad pa na mas ginusto na nilang maging seller kaysa umarte sa harap ng kamera.
Bukod sa pagiging seller ni Dianne, may programa pa rin siya sa PTV4 at tumatanggap din ng hosting job for events.
Kaya kung anuman ang narating na estado ngayon ni Mrs. Ilustre ay bunga ito ng kanyang pagsisikap at tiyaga.
Ito rin ang katwiran ni Rodjun na nagla-live selling na rin at aminadong hindi madaling trabaho ito dahil kailangang gamitan niya ng charm ang manonood para bumili ng produktong ibinebenta niya, pero ipinagdiinan ng aktor na may trabaho siya sa GMA 7.
Aniya, “Proud live seller po ako kasi hard work po ‘yan, eh, marangal na trabaho. And hindi totoo na ‘pag nagla-live ka, wala ka nang trabaho, laos ka na, hindi po. May mga projects pa po tayo. Kaka-champion lang po natin sa Stars on the Floor, may serye po tayong ginagawa and proud po ako dito kasi po ‘yung team namin, lahat po ‘yan, nagwo-work for their families.
“Ang maganda po dito, nakakatulong na po kami sa brands, nakakatulong din kami sa mga tao. Tsaka hindi biro ang live selling ha? Akala nu’ng iba, madali lang ‘yan. Hindi po, hard work talaga ‘yan tsaka dedication.
“At mga matatalino po lahat ng live sellers kasi kailangan n’yong aralin ‘yung mga products n’yo, kailangan n’yong pag-isipan ang mga campaigns na gagawin n’yo para ‘yung mga viewers, ma-attract n’yo.”
Samantala, welcome ang lahat ng content creators, artista at sa katunayan ay may 15 personalidad na silang under the management of DM Studios.
The post Dianne Medina dream come true maging CEO, Rodjun proud live seller: Hardwork ‘yan! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments