Ilang flights kanselado ngayong March 6 dahil sa tensyon sa Middle East

BUNSOD pa rin ng tumitinding tensyon sa Middle East, may mga biyahe papunta at pabalik mula sa nasabing rehiyon ang kinansela na ngayong Biyernes, March 6.
Ayon sa advisory ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), narito ang canceled flights:
Cebu Pacific Air
- 5J 14/15: Manila – Dubai – Manila
- 5J 18/19: Manila – Dubai – Manila
- 5J 740: Manila – Riyadh
Philippine Airlines
- PR 685: Doha – Manila
- PR 684: Manila – Doha
- PR 655: Riyadh – Manila
- PR 654: Manila – Riyadh
Baka Bet Mo: Palasyo balak pag-aralan 4-day work week dahil sa tensyon sa Middle East
Ang Middle East ay nasa gitna ng tumitinding tensyon matapos magsagawa ng air strike ang US at Israel laban sa Iran nitong katapusan ng Pebrero.
Pinalala ng mga nakaraang taon ng hidwaan ang sitwasyon, partikular sa usapin ng nuclear program ng Tehran at impluwensya nito sa rehiyon.
Ang mga air strike ay nagdulot ng takot sa mga airline, kaya’t maraming biyahe ang kinansela para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Pinapayuhan ang lahat na i-check ang flight status bago bumiyahe at maghanda sa posibleng abala.
Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at nakaalerto ang mga airline sa anumang bagong developments.
The post Ilang flights kanselado ngayong March 6 dahil sa tensyon sa Middle East appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments