Responsive Ad

Heart Evangelista agaw-eksena uli sa PFW 2026; edgy, chic style pak na pak

Heart Evangelista agaw-eksena uli sa PFW 2026; edgy, chic style pak na pak
Heart Evangelista

AGAW-EKSENA na naman ang mga pasabog na OOTD ng Kapuso star na si Heart Evangelista sa Paris Fashion Week 2026.

In fairness and as expected, paandar uli ang effortless chic style ng Filipino global fashion icon sa PFW, kung saan inabangan talaga ng mga photographer at fashion enthusiasts ang kanyang awrahan sa streets of Paris.

Pak na pak always ang distinct and edgy but sophisticated and feminine style ni Heart na palaging may “wow factor”.

Kitang-kita naman na sa tuwing lumalabas ang Kapuso actress sa mga runway shows o events, talaga namang nagkukumpulan ang mga photographer at videographer para makunan siya.

Nitong nagdaang Paris Fashion Week 2026, rumampa si Heart with her OOTD and accessories mula sa mga kilalang fashion house sa mundo, including Schiaparelli, Off-White, Mugler, Hermes, Lacoste, Lanvin, Isabel Marant, Courrèges, Georges Hobeika, Onitsuka Tiger, Elie Saab, Zimmermann, Akris, at Acne Studios.

Inaabangan din ng kanyang mga tagahanga ang tinatawag niyang mga “fashion serye” sa social media, mga curated video at photo posts na nagpapakita ng kanyang mga outfit at karanasan sa fashion week.

In fairness, milyun-milyong views and reactions ang nakukuha ng mga digital content ni Heart kaya naman isa pa rin siya sa mga nangungunang style influencers sa global scene.

Halos lahat ng kanyang mga post sa iba’t ibang platforms ay nakakagetsing ng napakataas na Earned Media Value (EMV) o Media Impact Value (MIV) na umaabot sa milyong dolyar.

Dahil dito, patuloy siyang kinukuha ng mga international fashion at lifestyle brands para sa collaborations na nagpapalakas sa kanilang digital reach at global visibility.

Madalas ding i-feature ng international fashion publications ang kanyang mga street style moments at runway appearances.

Sa social media, kapansin-pansin din ang paghanga ng mga netizens sa kanyang fashion sense at personalidad. 

“Bagets ang atake. Never boring. Superb pa ang content kaya love siya ng brands and real fashion enthusiasts,” comment ng isang netizen.

“I am always in awe of how you are nailing the thinnest fabric and keep it stylish and body hugging like it was made for you,” sey ng isang fan.

May fan din na nag-share ng personal experience niya nang makasalubong si Heart sa Europe.

“Thank you @iamhearte for being so approachable and kind. Even when you’re clearly rushing, you still take the time to acknowledge people who admire you. Your grace, humility, and warmth truly stand out,” ang post nito.

Samantala, ibinahagi rin kamakailan ni Heart ang behind-the-scenes ng kanyang video ad shoot para sa Mugler Fragrances.

Ang ikalawang Mugler video campaign na ginawa niya ay para sa Angel Stellar at Angel Nova perfume variants, na inilunsad nitong February. Ang una niyang video campaign para sa brand ay para sa Angel Fantasm eau de parfum na inilabas noong nakaraang taon.

Noong March 2025, pormal ding inanunsyo ng Mugler ang pagpili kay Heart Evangelista bilang Southeast Asia ambassador ng luxury fashion at fragrance brand.

Isa ang Mugler campaign shoot sa mga highlight ng kanyang mga stint sa Europe habang dumadalo sa mga fashion week events.

Samantala, napapanood uli ngayon si Heart sa sarili niyang reality show na “Heart World” tuwing Sabado ng gabi sa GMA 7.

The post Heart Evangelista agaw-eksena uli sa PFW 2026; edgy, chic style pak na pak appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments