Responsive Ad

Female singer nawalan ng projects, tinuruan ng leksyon ng record label

Female singer nawalan ng projects, tinuruan ng leksyon ng record label
Guess, guess who!?

DAHIL sa inilabas na sama ng loob ni MRLD o Mariel de Jesus, contract artist ng OC Records, ay naalala namin bigla ang kilala nang female singer.

Sumikat ang female singer dahil sa mga cover songs na kinakanta niya sa kanyang YouTube channel.

May ibubuga naman talaga ang female singer dahil ang taas ng range ng boses niya na mala-Regine Velasquez, kaya naman umaabot sa milyones ang views ng mga video niya.

At dahil dito ay inalok siya ng kilalang record label para i-manage at pumayag siya para nga naman maalagaan siya at may sumagot sa mga inquiries sa kanya.

Maayos naman ang takbo ng relasyon ng female singer at ng record company. 

Siguro nag-expect ang bida ng blind item natin na kapag may manager na siya ay kaliwa’t kanan na ang gigs o offers niya. May mga nabigay namang trabaho sa kanya.

Pero siguro hindi kuntento ang female singer na bilang lamang sa mga daliri niya sa kamay ang trabaho na naibibigay ng record company lalo’t milyones nga naman ang views niya sa YT kaya nagtataka siya.

By the way, ang record company na pinasukan ng female singer ay marami nang alagang artists na pawang household name na. 

Kaya kung may inquiry for a show ang gusto ng client ay ‘yung kilala na lalo na sa mga probinsya at ibang bansa.

Tila hindi ito naintindihan ng female singer, kasi nga again sikat siya sa YouTube channel niya.

At dahil tila nakukulangan ang female singer sa ibinibigay na trabaho ng record company niya ay tumanggap siya ng show na hindi ipinaalam sa namamahala ng karera niya at kamakailan lang niya ito inamin.

Sa parte ng namamahala sa karera ng female singer ay foul ito dahil binalewala sila na totoo naman, kawalan ng respeto itong matatawag kahit pa ibigay ang komisyon.

At sa parte naman ng female singer ay tumanggap siya ng show dahil sa kanya naman ito dumiretso at nanghinayang na hindi niya tanggapin lalo’t ibinigay ang asking fee niya at naisip niya na after na lang niya ito ipapaalam which is mali talaga.

Kaya namin ito nasasabi ay dahil marami na kaming na-encounter na ganitong senaryo na kahit pa dumiretso ang kliyente sa artist ay dapat ipasa nila ito sa kanilang manager para sila ang makipag-usap sa kliyente at the same time mapangalagaan sila.

Naalala namin na may insidente raw kasi na ang female singer ang hinahanap ng client, pero ibang singers ang inihahain kaya nawalan ng project ang una.

Actually, may mga na-encounter na rin kaming parehong senaryo na ang mismong singers na hanapan sila ng raket pero dahil sumusunod kami sa patakaran at bilang respeto sa managers ay doon kami dumidiretso.

Going back sa female singer na rumaket na hindi muna ipinaalam sa namamahala ng career niya ay binigyan siya ng leksyon na hindi siya binigyan ng work o sa madaling salita naka-freeze siya.

Walang nagawa ang female singer kahit na marami siyang offers ay hindi siya makatanggap dahil bawal at kapag ipinagpilitan niya ay magbabayad siya o may legal na usapin.

Ending hinintay ng female singer na matapos ang kontrata niya at nang natapos ay hindi na rin naman siya muling inalok o may option to renew dahil nga matigas ang ulo niya.

Kaya ang ending ay sa YT na lang siya ulit aktibo at dahil na rin dito ay nakokontak siya at nagkakaroon naman ng shows kahit paano.

In fairness sa female singer niyakap niya ang pagbabago kaya kapag may show siya ay ibinibigay niya ang best niya para muli siyang kunin o i-reko siya sa iba na nagkatotoo rin naman.

Sa kasalukuyan ay marami kaming napapanood na reels ng female singer na kung saan-saan naiimbitahan lalo na sa ibang bansa noong hindi pa magulo sa Gitnang Silangan kung saan siya madalas, pero ngayon ay sa out of town shows ang raket niya.

The post Female singer nawalan ng projects, tinuruan ng leksyon ng record label appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments