Responsive Ad

Alodia, Doc Z, at iba pang gamers kumasa sa viral ‘Keyless’ Challenge

Alodia, Doc Z, at iba pang gamers kumasa sa viral 'Keyless' Challenge
PHOTO: Courtesy of Mountain Dew

HINDI biro ang hamon sa mga gamer sa bansa matapos alisin ang tatlong mahalagang keys sa kanilang keyboard: ang “D,” “E,” at “W.”

Sa Pilipinas, tinatayang 97% ng internet users ang naglalaro ng video games, ang pinakamataas na porsyento sa buong mundo. 

Malaki ang papel dito ng PC gaming kung saan mahalaga ang anim na keys: “D”, “E”, “W”, “A”, “S” at “F”, na ginagamit para sa galaw, skills, at pakikipag-interact sa loob ng laro.

Nagkataon namang ang tatlong letra na “D”, “E”, at “W” ay eksaktong tumutukoy sa tawag ng mga gamer sa isang softrdrink brand na Mountain Dew.

Baka Bet Mo: Alodia tiniyak na ligtas, nag-emergency landing ang eroplano papuntang Qatar

Dahil dito, isang kakaibang hamon ang inilunsad kung saan sinubukang patunayan na hindi ka talaga mananalo kapag wala ang nasabing mga letra.

Sa tulong ng BBDO Guerrero, hinamon ang ilang kilalang gaming creators sa bansa na maglaro ng kanilang paboritong PC games gamit ang custom keyboards na walang D, E at W keys habang naka-livestream.

Kabilang sa sumabak sa hamon sina Alodia, Doc Z Gaming, Cherizawa, KingFB, AmaraTV, at Buunja.

Dahil kulang ang keyboard, nagkaroon ng nakakaaliw na eksena sa kanilang mga stream, kung saan may mga karakter na hindi makagalaw, may mga maling pindot ng skills, at may mga kalabang hindi mapatay.

Aliw na aliw naman ang kanilang mga manonood at fans sa kalokohang dulot ng challenge.

Sa loob lamang ng unang dalawang linggo ng campaign, umabot sa mahigit 44.3 million views sa iba’t ibang platform ang livestreams.

Hindi lang creators ang nakisali sa hamon.

Hinimok din ang kanilang mga tagasubaybay na subukan ito sa bahay sa pamamagitan ng pag-disable ng “D”, “E” at “W” keys sa kanilang keyboard at i-post ang kanilang karanasan sa TikTok, Facebook Reels, o Instagram Reels gamit ang hashtag na #PlayNoDew.

May tsansa ring manalo ng mga premyo tulad ng gaming headsets, gaming keyboards at eksklusibong Mountain Dew jackets ang mga piling kalahok.

Mas lalong uminit ang kompetisyon noong February 27 nang magharap ang professional esports players at amateur gamers sa isang live showdown.

Sa naturang event, naglaban ang Team Play The Dew, na binubuo ng amateurs at gaming creators laban sa Team NAOS, isang internationally competing professional esports team at ika-7 best Valorant team sa Asia-Pacific.

May twist ang laban: ang Team NAOS ay naglaro ng 5v5 match na walang D, E at W keys sa kanilang keyboard.

Sa huli, nanaig ang Team Play The Dew patunay na kahit gaano ka pa kagaling na gamer, mas mahirap manalo kapag wala ang DEW.

Pinalawak pa ang challenge sa ilang gaming cafés sa bansa kung saan pwedeng subukan mismo ng mga manlalaro ang kakaibang setup.

“Gaming is one of the fastest-growing passion spaces in the Philippines, and it demands brands that understand the culture. For Mountain Dew, this campaign was about moving beyond visibility, and into participation through authentic gaming insights and behavior. Play No Dew reflects our bigger ambition to move beyond being a supporter of gaming, become an indispensable part of the experience and create moments that players genuinely want to be part of,” sey ni Nicole Villarojo, Marketing Director ng PepsiCo Philippines Beverages.

Dagdag naman ni David Guerrero, Creative Chairman ng BBDO Guerrero: “Often, brands are trying to add something on to a game. But with this campaign we were able to make an impact by taking something away. Because, as all PC gamers know, you can’t win without the D, E, and W keys. Which is the strongest proof yet that when there’s no Dew, it’s no contest.”

Sa pamamagitan ng livestream challenges, café activations at live esports showdown, ibinandera ng kampanya kung gaano kalalim ang koneksyon ng gaming culture sa bansa.

The post Alodia, Doc Z, at iba pang gamers kumasa sa viral ‘Keyless’ Challenge appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments