Responsive Ad

‘The Kingdom’ series ng TV5 hindi na itutuloy dahil kulang sa budget?

'The Kingdom' series ng TV5 hindi na itutuloy dahil kulang sa budget?
PHOTO: Instagram/@aptentertainment.ph

SHELVED na pala ang series na “The Kingdom: Magkabilang Mundo” na mapapanood sana sa TV5 ngayong 2026.

Sa report ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi at Dyosa Pockoh na “Showbiz Update” kagabi, February 27, ay nabanggit nga niyang shelved na ang nasabing project dahil kinapos na sa budget.

Tumataginting na P200 million pala ang series na ididirek ni Michael Tuviera na siya ring direktor sa movie version.

Sitsit ng aming source, “Sobrang pagtitipid ngayong ang pamunuan ng TV5 kasi nga ‘di ba, ang laki-laki ng nailabas ng pera last year na hindi naman bumalik kahit puhunan lang.”

Baka Bet Mo: Derek Ramsay balik-akting after 6 years, bibida sa ‘The Kingdom’ series

Nakarating din sa amin na nanghihinayang daw si Piolo Pascual dahil hindi na nga tuloy ang nasabing series na pagbibidahan nila ni Derek Ramsay.

Malaking isyu pa rin sa MQuest Ventures at Cignal na hindi man lang nakabawi at hindi kumita ang “Manila’s Finest” dahil nga itinodo nila ang kanilang pondo hoping na kumita, hindi kagaya ng pelikulang “The Kingdom” noong 2024 na pinagbidahan naman nina Vic Sotto at Piolo na kumita at that time.

Sa kasalukuyan ay inaabangang series ay ang “Secret in Prague” na pagbibidahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes mula sa direksyon ni Barry Gonzales at handog ng MQuest Ventures at Slingshot Studios na pag-aari ni Quen, yes co-prod ang aktor sa serye niya.

The post ‘The Kingdom’ series ng TV5 hindi na itutuloy dahil kulang sa budget? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments