Responsive Ad

Rita Daniela handang pakasalan si McLaude Guadaña: Sobrang happy!

Rita Daniela handang pakasalan si McLaude Guadaña: Sobrang happy!
Rita Daniela at McLaude Guadaña

MALIGAYANG-MALIGAYA ngayon ang actress-singer na si Rita Daniela sa piling ng kanyang basketball player boyfriend na si McLaude Guadaña.

In fairness, kitang-kita sa aura ni Rita ang kakaibang happiness patunay lamang na bonggang-bongga ang takbo ng kanyang personal life.

Recently ay nakachikahan ng BANDERA ang aktres sa naganap na mediacon after niyang pumirma ng management contract sa Viva Artists Agency.

Yes, wala na siya sa Sparkle pero agad na nilinaw ni Rita na maayos ang pag-alis niya sa talent management ng GMA Network na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon.

Kasama ni Rita sa contract signing niya sa VAA ang pamilya pati na si McLaude bilang suporta sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.

Kaya naman feeling thankful and grateful ang singer-actress dahil talagang all-out ang support sa kanya ni McLaude sa paglipat niya ng talent management, at ng kanyang family.

Tinanong namin ang bagong VAA talent kung nakikita na ba niya ang sarili na ikinakasal kay Mc kahit medyo maikling panahon pa lamang ang pinagsasamahan nila, “Oo naman po.

“Even du’n sa first date namin ni Mc, sinabi ko na yun sa kanya, na I’m seriously looking. I’m not into playing games anymore,” ani Rita.

Sundot na tanong namin kung kumusta ang relationship ng kilalang cager sa anak nag-iisa niyang anak na si Uno.

“Very good. Sobrang maalaga. Madalas hinahanap siya sa akin ng anak ko.

“Wala po akong masasabi and wala na po akong ibang mahihiling pa. Grabe yung suporta, pagmamahal at saka pag-iintindi niya sa amin,” saad pa ng aktres.

Bilang isang nanay, gagawin daw ni Rita ang lahat para mabigyan si Uno ng magandang kinabukasan. Ang kanyang anak daw ang nagsisilbing lakas niya para lumaban sa buhay.

“Alam kong matapang akong tao, pero noong naging nanay ako, mas may ikakatapang pala ako. It’s also a reminder for me na mas ma-aalagaan ang sarili ko,” sabi pa ni Rita Daniela.

The post Rita Daniela handang pakasalan si McLaude Guadaña: Sobrang happy! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments