Responsive Ad

Michelle Dee target ang Interpol red notice laban kay Xian Gaza

Michelle Dee target ang Interpol red notice laban kay Xian Gaza
Michelle Dee, Xian Gaza

HANDANG humingi ng International Criminal Police Organization (Interpol) red notice si Michelle Dee laban sa self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza kung kinakailangan.

Ito ay ayon mismo sa kanyang legal counsel na si Atty. Maggie Garduque, kasabay ng pagpunta nito sa National Bureau of Investigation Cybercrime Division kamakailan lang para magsampa ng supplemental affidavit kaugnay ng cyber libel complaint na isinampa ni Michelle laban kay Xian.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Garduque na kung nasa ibang bansa si Gaza ay pwede itong maaresto kung may warrant of arrest gamit ang Interpol red notice. 

Ayon sa ulat, kasalukuyang nasa Thailand ang social media personality dahil sa kanyang negosyo.

Baka Bet Mo: Michelle Dee, Rhian, Samantha inisyuhan na ng subpoena ng NBI

“Siguro po we will just force all law enforcement agencies para makagawa ng paraan. Kung kinakailangan ng red notice sa Interpol para po –since hindi lang naman ito ang kanyang kaso at may ibang mga kaso at may pending warrant of arrest pa po siya, pwede na po nating ipa-alarma sa Interpol para po ma-issue-han siya ng red notice at maaresto siya kahit wala siya sa Pilipinas,” sey ni Garduque sa ulat ng INQUIRER.

Dagdag pa niya sa isang Viber message, ang kanilang planong aplikasyon sa Interpol “may be coursed through our law enforcement agencies in the Philippines.”

“This is in the event the case of Xian Gaza reaches the court and a warrant of arrest will be issued to him. Since he is not in the Philippines, we will apply for a red notice so that he will be brought back to the Philippines to face all the charges against him,” paliwanag ni Garduque.

Ayon sa abogado, mayroon din umanong alias warrant si Xian para sa syndicated estafa. 

“This and the cases which Michelle will file against him will be a good ground for him to be put under red notice,” dagdag ng legal counsel.

Noong 2018, napatunayang guilty sa estafa si Xian ng Malabon Regional Trial Court at nakasuhan ng limang taon at anim na buwan sa kulungan matapos mag-isyu ng bouncing checks na nagkakahalaga ng P2 million.

Noong February 16, nagpunta si Michelle sa NBI para magsampa ng cyber libel complaint laban kay Xian at sa iba pang indibidwal sa Facebook, na diumano’y nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya.

Ayon kay Garduque, ilan sa “fake” at “malicious” na posts ay nagsasabing lumipad si Michelle sa ibang bansa para iwasan ang kanyang kaso.

“These post are made with knowledge na hindi totoo ang mga ito…Recently may mga post pa siya regarding sa sinabi daw ng nanay niya, ni Melanie Marquez, sa isang film producer na sinasabing bata pa si Michelle ay nagkamali siya,” sambit ni Garduque.

“This can be tantamount to a defamatory imputation,” aniya pa.

Samantala, naglabas na ng subpoena ang NBI kay Michelle kaugnay ng physical injuries at illegal detention allegations laban sa kanya, kasama sina Rhian Ramos at Samantha Panlilio.

Ayon kay Garduque, haharap siya sa NBI ngayong Biyernes, February 26, para kumatawan kay Michelle at sumunod sa subpoena.

The post Michelle Dee target ang Interpol red notice laban kay Xian Gaza appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments