‘Batang Quiapo’ tatapusin na sa March 13, Coco: Ito na pinakasagad

CONFIRMED! Matatapos na ang Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ng Teleserye King na si Coco Martin.
Mapapanood ang pasabog na finale ng top-rating and most watched action drama series sa darating na March 13.
“Lagi kapag nagkukuwento ka, may umpisa, gitna, at dulo. Nu’ng naramdaman ko na ‘yung character ni Tanggol, nagawa na niya ‘yung lahat ng elements hanggang sa natalo siya noong eleksyon.
“Ano pa ba ‘yung major na gagawin ng kwento?” ang pahayag ni Coco sa panayam ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Coco Martin grateful sa pamamayagpag sa Batang Quiapo; aktres kakaiba galaw ng bibig
“Nu’ng ginalaw ko na ‘yung kwento, ginalaw ko na ‘yung mga characters, naramdaman kong parang hanggang dito na lang ‘yung takbo ng buhay ni Tanggol sa Quiapo.
“Ito na siguro ‘yung pinakasagad na dulo na pwede kong takbuhin ng character ni Tanggol,” ang pahayag pa ng premyadong actor-director at producer.
Pagpapatuloy pa niya, “Mahirap sabihin, kahit ako kasi ako ‘yung gumagawa, pinaghihirapan namin lahat. Nagkakaroon ka ng anxiety, kasi after three years isinabuhay mo ‘yung character and then araw-araw halos nagtatrabaho kayo.
“Ang hirap lumabas sa bibig. Ang hirap tanggapin din na, papasok din sa ano mo na, matatapos na. Magtatapos na,” aniya pa.
Pag-amin ni Coco, “Nagiging emotional ako kasi hirap na hirap talaga kami. Sobrang hirap talaga ng paggawa ng ‘Batang Quiapo.’ Hindi lang ang pagbuo, kundi ‘yung pag-arte, lahat — all aspects, crew directors, production.
“Hindi ko alam kung masaya ako o nalulungkot ako. Para bang meron kang isang karelasyon o may inalagaan kang bata, may isa kang mahal sa buhay tapos after that maghihiwalay na kayo. ‘Yun ang nararamdaman ko ngayon, ngayon siya sa akin nagsi-sink in,” dagdag pa ng aktor.
Tungkol naman sa mga dapat abangan ng manonood sa nalalapit na pagtatapos ng serye, sey ni Coco, “Pinaghandaan namin ang pagtatapos ng ‘Batang Quiapo,’ more than sa pagtatapos ng ‘Probinsyano.’
“Nag-ubos kami dito ng lakas, ng pera. Kasi sabi ko nga, hindi ko bibitinin ang mga manonood. Three years nila kaming sinamahan sa kanilang mga tahanan, gusto ko deserve nila ‘yung ending,” he said.
The post ‘Batang Quiapo’ tatapusin na sa March 13, Coco: Ito na pinakasagad appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments