‘Zaldy Co’ um-attend sa kasal: Marami pa akong maletang ipapadala sa inyo!
SHOOKT ang geodetic engineer couple nang biglang sumulpot sa kanilang kasal si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Nangyari ang “pagbisita” ng dating kongresista sa naganap na wedding ng magdyowang engineer na sina Christian at Cariza na nagbigay pa ng message sa bagong kasal.
Pero bago kayo magbigay ng violent reaction mga ka-BANDERA, Artificial Intelligence (AI)-generated image lamang ang um-attend sa kasal.
Sa Facebook page ng RPFilmworks Reels ay mapapanood ang AI-generated video ni Co na may caption na:
“ZALDY CO NAGSALITA ULIT.
“Christian & Cariza thought they knew what was coming…but we had one more surprise waiting.
“Their SDE was inspired by their work
and yes, that Zaldy Co message was AI-generated (for fun and creativity only).
“Reaction: priceless.”
Maririnig naman sa video ang mensahe ng AI image ni Co sa bagong kasal, “Christian and Cariza, congratulation sa inyong kasal. Nawa’y ang pagsasama n’yo ay kasing-tibay ng kontrata. Walang atrasan, walang back out.
“After ng kasal n’yo, mas marami pa akong maleta na ipapadala sa inyo. Ipapa-deliver ko na lang. Kayo na ang bahala.”
Narito ang mga reaksiyon ng netizens sa nakakalokang AI-video ng dating congressman na isa sa mga politikong isinasangkot sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Lupet hahaha taba talaga ng utak mga rek solid.”
“Hahhahahaha hanep!”
“Big-time ung guests nila ahh,, malemaleta ung pakimkim nang ninong nila.”
“Hindi naman cguro magkakaso kampo ni zaldy co… Katuwaan lang naman yung pag gamit ng ai.”
“Iba to, may pa special guest HAHAHAHA.”
“Mas maganda sana kung presidente with ngiwi! “
“Witty ng transitions at humor “
“kaya ang daming takot magshoot sa inyo boas Ron Paredes eh. ang babaliw nyo kasi mag Wedding SDE hahaha.”
“Astig..creative…pati yung unang background song Suno yata ginamit..kudos sa Team.”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa Pilipinas si Zaldy Co na kasalukuyang nagtatago umano sa ibang bansa. Itinuturing na rin siya ngayon bilang “fugitive from justice.”
The post ‘Zaldy Co’ um-attend sa kasal: Marami pa akong maletang ipapadala sa inyo! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments