PREDICTON 2026: Pagkamatay ng 3 artista, celebrity couple, vlogger
DALAWANG showbiz personality ang mamamaalam dahil sa aksidente habang isang vlogger ang papatayin habang naka-live broadcast sa social media.
Tatlong pandemya ang mararanasan ng Pilipinas kasabay ng dalawang malalakas na bagyo at sunud-sunod na lindol sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ilan lang iyan sa mga prediksyon ng kilalang psychic at fortune teller na si Rudy Baldwin na maaaring mangyari ngayong 2026.
Sa kanyang Facebook account, muling ibinahagi ni Rudy nitong Miyerkules, December 31, ang buong video kung saan inisa-isa niya ang mga nakikita niyang pangitain para sa 2026.
“‘Yung ating taong 2025 is taon ng the Biblical year. Ngunit itong taong 2026 is a year of fear. So, ibig sabihin po nu’n, ito ‘yung taong 2026 ay taon ng mabagsik na apoy, tubig, at dugo.
“Sa madaling salita, nabubuhay na naman ang bloody year,” ang pahayag ng psychic.
Binanggit ni Rudy ang dalawang bagyo na kasing-tindi ng Goni at Yolanda, na aabutin daw ng ilang araw, “Kung ano ‘yung sinapit natin ngayong taon, hindi man siya gano’n katindi pero walang ang ulan. Umabot ng ilang araw.
“Tapos meron pa talagang dalawang bagyo na kasing-lakas ni Goni at ni Yolanda. Maraming buhay ang nawawala,” sabi pa niya.
Kailangang mag-ingat at paghandaan din daw ng lahat ang mga magaganap na lindol kasabay ng mga bagyo, partikular sa Aklan, Abra, Baguio, Pangasinan, Zamboanga, Marawi, Batanes, Bicol, at iba pang lugar.
Posible rin daw na maganap this year ang pinaghahandaan at kinatatakutang “The Big One”, “Wala pong masama na manalangin na tayong huwag mangyari.
“Kasi kahit ako, ayaw kong mangyari ‘yon…isa ako sa mapapahamak do’n, e. So siyempre, kailangan n’yo po ng dasal,” aniya pa.
Magpuputukan din daw ang anim na bulkan sa bamsa, “Dapat ang bilang talaga dito is pito. Doon sa vision ko, may isang sobrang tagal na siyang nahimlay.
“Sobrang tagal niya, hindi siya inaasahang mag-erupt. Pero sa pagbabago ng panahon, bigla itong nag-active,” pagbabahagi ni Rudy.
“Meron tayong aksidente na mangyayari sa himpapawid na bumagsak po ito sa tubig. Bumagsak sa karagatan. Himala na lang kung may isa o tatlong mabubuhay,” ang hula pa ni Rudy.
Tatlong pandemic din daw ang mae-experience ng mga Pilipino, kabilang na riyan ang pagbabalik ng Monkey Pox. Dahil dito magpapatupad muli ng lockdown sa maraming bahagi ng bansa, partikular na sa mga probinsya.
Nakikita raw ni Rudy na may isang female youngstar na napasama sa listahan ng pinakamagandang babae, na tatamaan ng isa sa mga naturang pandemya na siyang magiging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Pinag-iingat din niya ang mga content creator ngayong 2026 na posibleng mabiktima ng mga krimen, “May nakikita rin akong isang vlogger na habang naka-live siya ay pinatay sa harapan ng camera.
“Walang pakialam yung pumatay sa kanya kasi kusang sumuko, e. Matindi ang galit niya sa vlogger na to,” sabi ni Rudy.
Bukod dito, may dalawang celebrity din na bagong kasal ang mamamaalam, “Kakakasal lang guys, nasawi po ang mga ito.” Sey ni Rudy, may kaugnayan sa mental health tulad ng anxiety at stress ang pagkamatay ng mag-asawa.
The post PREDICTON 2026: Pagkamatay ng 3 artista, celebrity couple, vlogger appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments