Yasser Marta, ex-Vivamax star Robb Guinto nagpakaligaya sa Bali
IBINANDERA ng Kapuso hunk na si Yasser Marta ang bonggang pagbabakasyon nila ng dating Vivamax (VMX) actress na si Robb Guinto.
Sa Instagram account ng aktor ay nakabalandra ang kanyang mga litrato kasama si Robb na kuha sa isang napakagandang lugar sa Bali, Indonesia.
May ilang solong litrato ang Kapuso actor sa naturang post na kuha sa isla ng Nusa Penida habang ang mga sumunod na pictures ay kasama na niya ang former VMX star.
Sabi ni Yasser sa caption ng kanyang IG post, “Suksma [thank you] Bali!”
Sinagot naman ito ni Robb (napapanood sa Pepito Manaloto) sa comment section ng, “My habibi”. Reply sa kanya ni Yasser ng “Sa ‘yo lang lahat to.”
Bumuhos naman ang congratulatory message para sa dalawa na first time nilang malaman na magdyowa pala base na rin sa palitan nila ng mensahe.
Wala pang kumpirmasyon sina Yasser at Robb tungkol sa kanilang rumored relationship pero mukhang yun na rin ang tinutumbok ng kanilang IG photos.
Narito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens.
“Pasabog naman ang view jan!”
“So nice couple from cebu fan of kuya idol @itsyassermarta”
“Happy for you guys!”
“Woww my favorite aktris hot filiphina vivamax “
“Grabe bagay kayo. Nakakakilig.”
“Rob Quinto is definitely just for you @itsyassermarta habibii.”
“Ipinagpapalit mo na ako mahal ko?!”
“Para kang Alladin in real life sa looks mo. Honeymoon yan.”
The post Yasser Marta, ex-Vivamax star Robb Guinto nagpakaligaya sa Bali appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments