Bongbong Marcos apektado sa arrest warrant, pagsuko ni Bong Revilla
IKINALUNGKOT ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-iisyu ng arrest warrant laban sa kaibigang si dating Sen. Bong Revilla, Jr..
Sumuko ang action star sa PNP- Crimimal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Third Division laban kay Revilla at ilan pang personalidad.
Ito’y dahil sa kanilang pagkakasangkot umano sa mga maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro, apektado si Pangulong Bongbong sa kinakaharap na kaso ng dating senador.
Nagkaroon daw ng chance si Castro na makausap si PBBM tungkol sa pagsuko ni Revilla sa CIDG.
“Natanong natin kanina ang Pangulo noong tayo ay nagkaroon ng meeting with him.
“Tinanong ko siya kung ano ang nararamdaman niya, sabi niya, malungkot siya dahil nakasama niya ito sa alyansa at kaibigan niya si Sen. Bong Revilla,” pahayag ni Castro.
“Pero ganoon pa man, proseso pa rin ang mananaig. ‘Yun na lamang po. Kailangan pong pagdaanan ito dahil may proseso.
“Still, sinabi po niya (PBBM) na malungkot po siya sa nangyari,” dagdag na pahayag ng opisyal.
Kusang sumuko si Revilla sa PNP matapos ngang isyuhan ng warrant of arrest at hold departure order ng Sandiganbayan kaugnay ng non-bailable malversation case na nag-ugat sa flood control scandal.
Sabi ng aktor sa isang Facebook video na ipinost niya bago sumuko, “Nakatanggap po kami ng impormasyon na lumabas na ang aking warrant of arrest.
“Nakakalungkot po parang wala yatang due process. Pero gayunpaman, haharapin ko ito nang walang takot at alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos dahil wala po akong kasalanan dito,” saad ng dating senador.
The post Bongbong Marcos apektado sa arrest warrant, pagsuko ni Bong Revilla appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments