Responsive Ad

Katrina Halili, Kris Lawrence pakilig sa ‘pickleball’: Kayo na lang sana uli! 

Katrina Halili, Kris Lawrence pakilig sa 'pickleball': Kayo na lang sana uli! 
Katrina Halili, Kris Lawrence at Katie

KILIG much ang mga netizens nang bumandera sa social media ang mga litrato at video together ng dating magdyowang sina Katrina Halili at Kris Lawrence.

Nag-share kasi ang Kapuso actress sa social media ng mga naging kaganapan sa muling pagkikita nila ni Kris, ang tatay ng nag-iisa niyang anak na si Katie.

Makikita sa mga pictures at video na ipinost ni Katrina sa Facebook ang paglalaro niya ng pickleball kasama si Kris at si Katie.

Kuha iyon sa isang commercial pickleball court sa Meycauayan, Bulacan. Sey ni Kat, that was the first time na sinubukan niyang maglaro ng naturang sports.

“Nasubukan na rin mag pickleball,” ang maikling caption ng Kapuso actress sa kanyang Facebook post.

Sa isa pa niyang verifies Facebook account, nabanggit naman ni Katrina na napadaan lang daw si Kris sa court para sunduin ang kanyang anak para makapag-bonding ang mag-ama.

Pero ang ending, napalaro rin daw ang R&B Prince. Sey ni Kat, “Good morning! First time to try pickleball, salamat [coach] joey and coach John John Altiche dahil hindi sanay ayan hingal is life. 

“Sumama si Kris Lawrence dahil susunduin niya si katie after naexcite din kaya naglaro na din,” chika pa ng aktres.

Nagpasalamat din ang Kapuso star kay Kris sa pagsama nito sa kanilang mag-ina sa paglalaro ng pickleball.

At in fairness, maraming kinilig sa dating magkarelasyon at halos lahat ay nagsabing sana raw ay mabigyan sila ng second chance sa love.

“Pakipanindigan po kilig namen sana.”

“Nkailang ulit aq panuorin hehe ang sweet.”

“Eh kung magkabalikan na kayo hahaha!”

“Ayiiieeee sobrang kilig ko sa inyong dalawa grabe na to,sana magka balikan na kayong dalawa mga Lods.”

“Kayo na lang ulit madami na kayong pinapakiliggg isa na ako.”

Komento pa ng isang netizen, “Grabe ung caption sa huli…may pag explain uu na mhii naintindihan nmin susunduin lng c katie.”

Sinagot siya ni Katrina ng, “Yes! Dapat ganu’n.”

Hirit ng isa pa, “Bakit parang my something na?? Lagi na kayo magkasama at pinopost nyona mga ganap nyo dalawa.”

Reply ng aktres, “Yan po kasi ang gusto nyo nagkataon lang bonding kasi si Kris Lawrence kay katie aalis kasi sya end of jan may tour.”

Tumagal ng limang taon ang relasyon nina Kat at Kris at noong 2014, ay naghiwalay nga sila. Pero napanatili pa rin nila ang maayos at magandang co-parenting relationship para kay Katie.

The post Katrina Halili, Kris Lawrence pakilig sa ‘pickleball’: Kayo na lang sana uli!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments