Vice Ganda bet bilhin ang ABS-CBN pero…

INAMIN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na interesado siyang mabili ang ABS-CBN sakaling magkaroon siya ng malaking pera.
Sa inilabas ng video ng Star Cinema kamakailan, natanong si Vice ng ilan sa mga iconic beauty pageant questions.
“Let’s make believe that all of a sudden you had a million dollars. What’s the first thing you would buy and why would you buy it?” tanong kay Vice.
Sagot niya, “If I have a million dollars, the first thing that I would buy is ABS-CBN.”
Baka Bet Mo: Vice Ganda dasurved magwaging Best Actor, hindi nagpalamon kay Nadine
Pagpapatuloy ni Vice, “I will buy ABS-CBN, and after a while, I will turn it back to its original owners.”
Matatandaang noong May 2020 nang tuluyan nang mawalan ng prangkisa ang media company matapos hindi payagan ng mga kongresista ang pagbibigay ng renewal sa kanilang 25-year legislative franchise.
Simula nang mawalan ng prangkisa ay naging isang malaking dagok na ito sa kumpanya na nagresulta ng pagkawala ng trabaho ng maraming empleyado sa kasagsagan ng pandemya.
Sa kabila ng mga pangyayari ay mas minabuti ni Vice na manatili sa poder ng ABS-CBN sa kabila ng paglipat ng ilang artista sa ibang istasyon.
Sa ngayon ay umeere ang mga programa ng ABS-CBN sa iba’t ibang channel tulad sa A2Z at GMA Network gaya ng “FPJ’s Batang Quiapo”, “Roja”, “What Lies Beneath”, “It’s Showtime”, “ASAP”, at “TV Patrol”.
The post Vice Ganda bet bilhin ang ABS-CBN pero… appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments