‘Student League’ pinalawak sa VisMin; maghahatid inspirasyon sa 2026
HINDI na lang pang-Metro Manila ang pangarap, lalo na kung estudyante ka na may ambisyon, talento, at kwentong gustong iparinig sa buong universe.
Ngayong 2026, mas lalawak pa ang isang student movement na layong tulungan ang kabataan na tuklasin ang kanilang “X,” ang kakaibang lakas, hilig, at potensyal na pwedeng magbago ng takbo ng kanilang buhay.
At ang malinaw na tinutukoy diyan ay ang Converge FiberX Student League, isang programang isinilang mula sa simpleng ideya na bawat estudyante ay may “X” sa loob niya, kagaya ng drive sa buhay, passion, at kwentong naghihintay lang ng tamang pagkakataon para ibandera.
Libo-libong estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad ang sumagot sa panawagan.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: QC may pa-scholarship program para sa Wikang Filipino, Panitikan
Sa dami ng aplikante, 100 ang napili…at mula roon, 10 ang tunay na namukod-tangi.
Sila ang tinawag na “ChosenX”!
Iba-iba man ang pinanggalingan at personalidad, iisa ang hangarin: ang hanapin ang kanilang X at ibandera ito sa mas malaking entablado.
Opisyal silang nagsama-sama sa DimensionX event, ang kickoff ng Student League na puno ng enerhiya, inspirasyon, at pangarap.
Hindi lang salita ang pangako ng programa, dahil limang Student League Ambassadors ang literal na binisita sa kani-kanilang bahay para i-upgrade ang kanilang PC setups sa pamamagitan ng Super FiberX Battlestation Raid series.
Mula sa simpleng computer, naging high-performance battlestations ito na handa para sa gaming, content creation, pag-aaral, at iba pang digital na pangarap.
Samantala, ang isa pang limang ambassadors ay lumipad patungong Thailand para sa isang learning trip kasama ang Converge Team.
Doon, nakipagpalitan sila ng ideya at karanasan sa kapwa estudyante mula sa ibang bansa, bago nagtapos ang biyahe sa “Thailand Game Show,” isa sa pinakamalalaking gaming conventions sa Southeast Asia.
Noong 2025, umabot na sa 60 paaralan ang nadalaw ng programa at mahigit 18,000 estudyante ang nakaranas ng kakaibang “Xperience.”
Pero ayon sa anunsyo, mas magiging malaki pa ang 2026 dahil itutuloy ang misyon ng “Finding Your X,” habang pinalalawak ang Student League sa Visayas at Mindanao.
Ibig sabihin, mas maraming kabataan ang maririnig, mas maraming kwento ang mabibigyan ng espasyo.
Maglilibot ang team sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad para makinig, umunawa, at tumulong sa mga estudyanteng hanapin ang kanilang direksyon.
May bagong batch ng ChosenX, bagong season ng Battlestation Raid, at mas bonggang PC builds na ipamamahagi kasama ang mga kilalang personalidad sa gaming at esports scene.
“Converge wants to enable these students to reach their goals, and we want to be a part of their journey. From finding their X to making their X a reality, we want to be involved in the co-creation of their milestones,” sey ni Sandra Tubale Dingal, AVP & Head of Consumer Segment Marketing ng Converge.
Aniya pa, “We want them to realize that technology isn’t just confined to making content, but it is a powerful tool for improving lives and reaching dreams.”
Dagdag pa rito, ipapakilala rin ang “Creative X Labs” para mas mailapit ang game-changing experience sa mas maraming Pilipino.
May paparating ding multi-function app na inaasahang ilulunsad bandang Marso, kung saan pwedeng maglaro ng minigames, mag-ipon ng rewards, at kumita sa referrals.
Isang makabagong paraan para gawing mas masaya at makabuluhan ang digital na karanasan ng mga estudyante.
“The FiberX Student League was what we envisioned our purpose to be. It is our X. And we are so proud of the Student League Ambassadors for being able to rise through challenges and be able to grow, learn, and share their experiences,” wika ni Orange Ramirez, VP and Brand & Marketing Head ng Converge.
Dagdag pa niya, “We are truly honored to have helped them find their voice, their space, their people, and most importantly, their X.”
Para sa bawat estudyanteng nangangarap ng higit pa, handa na ba kayo?
Dahil paparating na ang mas malawak, mas malakas, at mas inspiradong kabanata ng Student Leaguem upang hanapin ang X, buhayin ang pangarap, at ipakita sa mundo kung ano ang kaya mo!
The post ‘Student League’ pinalawak sa VisMin; maghahatid inspirasyon sa 2026 appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments