Responsive Ad

Willie Revillame kaya nagagalit on air: Ayoko nang may magbuwis ng buhay

Willie Revillame kaya nagagalit on air: Ayoko nang may magbuwis ng buhay
Willie Revillame

NAGPALIWANAG ang veteran TV host na si Willie Revillame kung bakit nagagalit at sumisigaw siya sa tuwing may nagkakamali habang umeere ang kanyang programa.

Inamin ni Willie na talagang sobrang istrikto siya pagdating sa trabaho, lalo na sa kanyang staff at empleyado na nakakasama niya sa kanyang game ahow dahil may mga valid reasons daw siya kung bakit.

Ilang beses nang nasaksihan ng mga manonood kung paano pagalitan ng TV host ang kanyang staff sa tuwing magkakamali at magkakaaberya habang umeere ang kanilang programa.

Tulad na lang ng nangyari noong December, 2025 sa live telecast ng dry run ng bago nitong game show na “Wilyonaryo”.

“Alam niyo, I’m sorry ha, palagay ko, papalitan ko kayo lahat, sorry. Hindi niyo ginagawa ang trabaho niyo nang maayos,” ang na-bad trip na sey ni Willie sa kanyang staff.

Maraming viewers ang nagsasabi na sila ang nasasaktan para sa mga empleyado ni Willie dahil hindi raw makatarungan na ipahiya ang mga ito sa harap ng milyun-milyong manonood.

Kaya naman sa grand media launch ng “Wilyonaryo” last Tuesday, January 20, nag-explain si Willie hinggil dito.

“Gut feel kasi ako sa buhay. Kapag nagagalit ako sa show, (like) nagkakamali yung DJ, kasi ayokong naiirita yung mga nanonood sa akin, e.

“Kasi alam mo, you have to understand, binabasa ko (mga comments), ‘Mayabang yan, sinesermonan ang staff.’ You have to do that, kasi nire-rehearse namin ito before the show. Inaalam na namin ang dapat mangyari. Bakit ka pa magkakamali?” aniya.

Ayon pa sa TV host, naging mas istrikto siya sa trabaho matapos maganap ang trahedya sa “Wowowee” noong February 6, 2006, kung saan may mga namatay na fans matapos nagka-stampede sa pagdiriwang ng first anniversary ng show.

“Gusto ko lang i-remind sa yo, during the time na nag-one year yung Wowowee, ako lahat ng humarap sa mga namatay na pamilya sa stampede.

“Walong patay, gabi-gabi pinupuntahan ko. Dapat iniingatan mo na ang programa mo kasi ayaw ko nang may tao pang magbubuwis ng buhay. Kaya ako naging istrikto.

“Marami pa kaming incident sa TV5, inaatake sa puso dahil na-excite. Sa labas pa lang kapag nakita ka, inaatake. Lahat yun pinunta ko sa ospital. Lahat yon hindi namin pinabayaan,” pagbabalik-tanaw ni Kuya Wil.

Patuloy pa niya, “Merong incident din during that time ako ay nangangampanya, e, nagagalit ako, kasi tinutulak yung mga matatanda. Mababaldog yung ulo sa semento.

“Lahat ng tatlong matatandang yon dinala ko sa ospital. Kapag linggo pinunta ko sa mga lugar, Quezon, Laguna, kung saan-saang mga squatter area.

“Hindi ko pinabayaan yon, totoo yon. Galit na galit ako sa mga lalaki na inaagawan ng jacket. Itutulak yung matatanda, bababagsak yung matanda, tatama yung ulo sa semento,” saad pa niya.

Binanggit din niya ang pagtanggal niya sa mga dancer na nale-late sa call time ng kanilang rehearsal, “One minute late, you’re out. Dancers, hindi na nakakapasok sa GMA yan.

“Anong oras ang call time niyo, 10:00 (a.m.)? Kapag dumating 10:01, ‘Pauwiin mo yan. Hindi niya gusto yung trabaho niya.’

“Ito ha, incident talagang nangyari to. Tinanong ko yung janitor, ‘Tagasaan ka?’ Sumagot, ‘Taga-Batangas po.’ Anong oras ka pumupunta rito?’ Sabi niya, ‘Nandito na po ako ng six kasi seven o’clock po ako, e.’ Bibiyahe siya ng tatlong oras.

“‘Magkano ang sweldo mo?’ Sagot niya, ‘Minimum po, five fifty.’ E, magkano ang dancers, P2,000. Tapos male-late ka ng one minute. E, itong janitor na mahirap lang, e, gumigising nang maaga.

“Very professional ako. Ayaw ko na nagkakamali kasi marami na kaming pagkakamali sa nangyari sa aming mga programa. Kahit magalit kayo sa akin, very strict ako,” pahayag pa ni Willie.

The post Willie Revillame kaya nagagalit on air: Ayoko nang may magbuwis ng buhay appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments