Niana Guerrero, Jarren Garcia iniintrigang magdyowa, true kaya?

PALAISIPAN ngayon sa mga netizens maging sa kanilang mga supporters kung ano nga ba ang namamagitan sa content creator na si Niana Guerrero at sa dating “Pinoy Big Brother Gen 11” ex-housemate na si Jarren Garcia.
Marami kasi ang mga kinilig matapos maispatan ang dalawa together na naglalakas sa BGC, Taguig City.
Makikita rin na masayang nagkukulitan at tila naghaharutan umano sina Niana at Jarren habang naglalakad.
Bagamat hindi naman magkahawak kamay ang dalawa ngunit marami pa rin ang kinilig sa pagsasama ng dalawa.
Baka Bet Mo: Niana Guerrero pinangarap maging cashier, game pasukin ang showbiz
Pero hindi naman nakaligtas sa mga mapagmasid na mga marites na tila matchy-matchy ang outfits nina Niana at Jarren na naka-white plain shirts, black pants at pareho pang nakasuot ng bull cap.
Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na naintriga ang dalawa dahil madalas na silang makitang magkasama at most of the time ay kasama rin nila ang isa pang ex-housemate na si Rain Celmar na siya namang best friend ng content creator.
May mga TikTok entries rin sina Niana at Jarren kasama si Rain.
Bukod pa rito, namataan rin ang TikTok superstar sa ginanap na album launch ng binata noong February 2025 sa SM North SkyDome.
Matchy-mathy rin ang naging Halloween costume ng dalawa nitong nagdaang taon.
Kung true man ang chika ay wala namang problema dahil mukhang single naman sila parehas.
‘Yun na!
The post Niana Guerrero, Jarren Garcia iniintrigang magdyowa, true kaya? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments