Responsive Ad

Rochelle Pangilinan pinuri si Arthur: Siya ang greatest gift sa akin ni God! 

Rochelle Pangilinan pinuri si Arthur: Siya ang greatest gift sa akin ni God! 
Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap at Shiloh Solinap

ITINUTURING ng Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan na isa sa pinakamagandang regalo ni Lord sa kanya ay ang asawang si Arthur Solinap.

Mapapa-sana all ka na lang sa mga ibinigay na papuri ni Rochelle sa kanyang pinakamamahal na mister na 100 percent supportive husband sa kanya. 

Hindi nga napigilan ng original leader ng SexBomb Girls ang maging emosyonal habang nagkukuwento hinggil sa pagiging perfect na husband at tatay ni Arthur.

“Siya ang greatest gift sa akin ni God,” ang paglalarawan ni Rochelle sa asawa sa panayam sa kanya ni Karen Davila para sa YouTube channel nito.

Sey pa ni Rochelle, dream come true para sa kanya ang buhay nila ngayon ng kanyang mister na palagi niyang ipinagpapasalamat sa Diyos.

“Wala akong Shiloh (anak nila ni Arthur) kung wala siya. ‘Yung buhay namin ni Art talaga, ito po ‘yung pangarap kong buhay.

“Hindi ganoon kayaman, simpleng buhay pero masaya,” ang sey pa ng award-winning Kapuso star at celebrity mom.

Sabi pa ni Rochelle, “Napakaresponsable ng asawa ko. Sa school, busy ako ngayon, siya ang sundo at hatid. Siya ang nag-aayos ng buhok ng anak, siya ang nagpapaligo, siya lahat.”

Grabe rin daw ang ibinigay na suporta sa kanya ni Arthur noong nagkaroon ng reunion concert ang SexBomb Girls. 

Talagang hirap na hirap daw siya noon sa kanyang schedule pero napakalaki raw ng naitulong sa kanya ni Arthur para magawa niya ang lahat ng kailangang matapos.

“Imbes na magalit ‘yung asawa ko kasi wala na akong time. Grabe ‘yung support. 

“Sabi ko nga sa kanya hindi ko magagawa ito lahat kung hindi dahil sa kaniya,” pahayag ni Rochelle.

The post Rochelle Pangilinan pinuri si Arthur: Siya ang greatest gift sa akin ni God!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments