Responsive Ad

Melanie Marquez kinidnap, pwersahang dinala sa mental hospital: Itinali nila ‘ko

Melanie Marquez kinidnap, pwersahang dinala sa mental hospital: Itinali nila 'ko
Melanie Marquez (Photos: Screengrab from Fast Talk with Boy Abunda)

MATINDI ang mga rebelasyon ni Miss International 1979 Melanie Marquez tungkol sa mala-bangungot na karanasan niya sa buhay nitong mga nagdaang taon.

Kabilang na riyan ang pagkidnap sa kanya matapos umano siyang mag-file ng kaso laban sa  asawang si Randy “Adam” Lawyer, at pagdala sa kanya sa isang mental facility nang hindi niya nalalaman.

Sa panayam sa aktres at beauty queen ng “Fast Talk With Boy Abunda” ngayong araw, January 5, ibinahagi niya ang mga nakakagulat na pangyayari sa pagsasama nila ng kanyang mister. 

Inamin ni Melanie on national TV na ilang beses daw siyang sinaktan ni Adam hindi lang pisikal kundi pati na verbal, mental at emotional abuse.

Ayon sa aktres, ngayon lang siya nagsalita tungkol dito dahil ilang beses siyang umasa na maaayos at magbabago pa ang pagtrato sa kanya ng asawa. Talagang tiniis niya ang lahat para sa kanyang pamilya.

Rebelasyon ni Melanie, ang pinakamatinding nangyari sa kanya ay noong July 16, 2022, mismong kaarawan niya. Dinukot daw siya at dinala sa mental hospital.

“In-abduct ako! I was kidnapped against my will. I was judged, nobody talked to me. I cannot talk to anyone. My phone got hacked and it’s on my birthday.

“Birthday ko mismo nu’ng in-abduct ako because I filed a case against Randy, yung suntok niya sa akin. Nawala ako, inilagay ako sa mental hospital, thinking sira ang ulo ko when, well, in fact, I’m taking care of my two boys (Mazeen at Adam na parehong may autism).

“Then, I’m having a construction sa binili ko na lupa. Bigla akong nawala. I was only invited to celebrate my birthday, but I never thought that this celebration will be my trauma. In-abduct ako, in-injection-an nila ako. I cannot move.

“Then I was crying because it’s clear enough na betrayal of trust. I don’t wanna mention anybody, but I was hurt,” paglalahad ni Melanie kay Tito Boy.

Patuloy pa niya, “Iniwan ako sa facility. Tinatawag ko sila, ‘Bakit ako naiwan dito?’ Hindi ko alam na mental hospital yon. Dinala ako sa fourth floor. Itinali nila ako.

“Sabi ko, ‘Bakit ninyo ako itinatali? Hindi naman ako nagwawala?’ Mandatory daw. Kinabukasan, sabi ko, ‘Nasaan ako?’ ‘Mental hospital.’ ‘Saan? ‘Pasig,'” saad pa niya.

Ang pinakamasakit pa raw na ginawa sa kanya ay inihiwalay siya sa kanyang mga anak, “Umiyak ako. Hindi nila naiintindihan ang sinabi ko na kung mamamatay ako, hindi ko alam… ang mga anak ko, mahal na mahal ko yung dalawa kong autistic.

“Sana kaming tatlo mamatay. Kunwari, nag-crash yung plane, kaming tatlo. At least, hindi ko na maiisip ang mga anak ko na iiwanan ko. Hindi ko alam kung sino ang magmamahal sa kanila.

“Then, iniba nila yung istorya. Ang ginawang istorya na ako raw, papatayin ko yung mga anak ko at papatayin ko ang sarili ko. My goodness! Ang kinatatakutan ko lang talaga ang Panginoon.

“Hindi ko papatayin ang sarili ko at lalong hindi ko papatayin ang mga mahal ko sa buhay. Sila ang strength ko. My two autistic boys, I can feel their love for me. Hindi sila normal but I feel their love,” lahad pa ni Melanie 

“After 10 days (sa mental hospital), hindi ko na nga alam yung day na yun eh, in-injection na naman nila ako. Nawalan ako ng malay. Paggising ko, iba na ang environment, I’m in the rehab already,” sey ng nanay ni Michelle Dee.

Walong buwan daw siya sa naturang rehab, “Parang nasa jail ako na wala lang rehas. Bakit ako nandoon? Sino ang nagdya-judge sa akin. Bakit nila ako inilagay dito na hindi man lang nila ako kinausap?

“Eight months ako diyan. Sila mismo sa rehab, sabi nila wala akong problema,” aniya pa at lahat daw ng ginawang drug test sa kanya ay negative.

Sa lahat ng nangyari sa kanya, itutuloy ni Melanie ang pagpa-file ng divorce para makalaya na siya sa kasal nila ni Randy.

Nag-submit na rin siya noong November, 2025 ng request sa Bureau of Immigration para makansela ang visa ni Randy at hindi na ito makabalik sa Pilipinas.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag o official statement ni Randy hinggil sa mga rebelasyon ni Melanie.

The post Melanie Marquez kinidnap, pwersahang dinala sa mental hospital: Itinali nila ‘ko appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments