Pulong Duterte basag kay Claire Castro sa isyu ng 2026 national budget
BINARAG ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro si Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte kaugnay ng national budget para sa 2026.
Inalmahan ni Castro ang naging pahayag ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa P6.793 trillion national budget ngayong taon.
Ibinandera kasi ni Cong. Pulong ang boto niyang “NO” sa 2026 General Appropriations Bill (GAB), na inaprubahan at niratipikahan ng Senado noong December 29, 2025.
“I voted NO on the FY 2026 General Appropriations Bill because I cannot, in good conscience, support a budget riddled with unanswered questions, uneven allocations, and questionable insertions,” ang pahayag ni Pulong.
Bwelta naman ni Castro sa kongresista sa kanyang YouTube vlog, “Hindi po ba, itong si Cong. Pulong ay nasa abroad? December 15 to February 22 yata ‘yong kaniyang biyahe, ‘di ba?”
Hirit pa niya, “Ito lang, kung nasa abroad siya, tanong natin, may time ba siyang aralin ito?
“‘Di ba ‘yan nga ‘yong ibang reklamo sa kanya ng iba niyang mga kasamahan? Sinasabi na ‘kung nandirito ka lang lagi, uma-attend ka ng sesyon, mga hearing, hindi ka maliligaw kung ano ang usapin,’” aniya pa.
Nagbigay din ng pahayag ang Palace press officer tungkol sa naging budget ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ng kanyang amang si former President Rodrigo Duterte.
“Hindi ko alam kung sila ba ‘yong tao na dapat na nagsasalita about this? E tandaan natin, noong panahon ng kanyang ama bilang Pangulo, e siya ay nabigyan ng P51 billion na allocations para sa Davao,” sabi pa ni Castro.
The post Pulong Duterte basag kay Claire Castro sa isyu ng 2026 national budget appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments