Kim Chiu ‘soft girl’ era ngayong 2026: Next year, 2027 humanda kayo!
TULUY-TULOY pa rin naman ang daloy ng swerte at blessings sa career at personal life ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu ngayong 2026.
Pero may mga babala o warning sa kanya ang isang feng shui expert ngayong Year of The Horse para maiwasan at makontra ang kamalasan.
Base sa pagbabasa ni Master Johnson Chua sa magiging kapalaran ni Kim ngayong 2026, bilang bahagi ng Chinese New Year Celebration next month, magiging “fruitful” pa rin ang taong ito para sa aktres.
Si Kim ay ipinanganak noong 1990, na isa sa mga taon na nasa powers din ng Year of the Horse. At maganda naman daw ang epekto nito pagdating sa usaping pera at negosyo.
“Kapag narinig n’yo yung mababa yung ranking ninyo for this year, dapat niyo lang i-times two, i-times three yung alertness and awareness natin.
“Yun lang naman yung purpose nun eh. Sabi ko nga, maximize the positive stars,” simulang pahayag ng feng shui expert.
“Yes, maganda pa rin naman. Ngayon, ito lang yung dapat ingatan kasi ang Year of the Horse kung bakit binaba ko si Horse is number 1, if it’s your own year, maraming mata nakatingin sa ‘yo.
“Siyempre, there are different kinds of Year of the Horse. May mga horse kasi na kunyari ayaw nila sa spotlight, may mga Year of the Horse na kailangan sa spotlight.
“Now, lahat ng Year of the Horse, you’re given the chance to go up the stage para magperform. So ngayon, yung spotlight lahat nakatingin sa ’yo so pwedeng tumaas yung fame and recognition sa ’yo,” aniya pa.
Isa sa mga paalala ni Johnson kay Kim, tulad din sa iba pang ipinanganak sa Year of the Horse, huwag na huwag mag-engage o ma-involve sa anumang uri ng conflict.
“Palaban kasi kaming mga horse,” hirit ni Kim sabay biro na next year na lang daw sila bumawi.
“Kaya pala palagi kaming content ng mga content creators kahit hindi mga totoong balita, binabalita.
“Kahit ayaw mo magpakita, mapapansin ka talaga. Pero wag lang maging patola, relax lang. Soft girl era lang kasi ako this 2026.
“Next year, humanda kayo. Excited na ako mag-January 2027, pwede ba yun? Kaso 11 months pa yung lilisanin natin,” ang tila may pagbabanta pang sey ni Kim.
Matatandaan na noong 2024, hinulaan din ni Johnson si Kim na posibleng “manakawan” hindi lang patungkol sa pera kundi maging sa usapin ng “trust” o pagtitiwala.
“Number one talaga na iingatan ng Horse is that mayroon kasing robbery star ang Horse.
“Ang problema kasi, when you talk about robbery, hindi lang naman pera ang ninanakaw, pwede ang trust, ‘yung mga ganu’ng klase,” ang hula noon kay Kim.
Bago matapos ang 2025, kinasuhan ni Kim ang kapatid niyang si Lakam Chiu ng qualified theft na may kaugnayan sa kanilang negosyo.
The post Kim Chiu ‘soft girl’ era ngayong 2026: Next year, 2027 humanda kayo! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
(@chinitaprincess)
Post a Comment
0 Comments