Responsive Ad

Anne Curtis sa viral ‘Di ’wag ka manood’ comment: Tao lang naman tayo

Anne Curtis sa viral 'Di ’wag ka manood' comment: Tao lang naman tayo
Anne Curtis

NAGPALIWANAG ang Kapamilya actress at TV host na si Anne Curtis sa nag-viral na pagpatol niya sa isang netizen kaugnay ng bago niyang pelikula.

May isang netizen kasi na nambarag kay Anne nang mapanood nito ang trailer ng reunion movie nila ni Jericho Rosales.

Komento ng naturang social media user, nairita raw siya sa pa-English-English na dialogue sa trailer ng pelikula na niresbakan nga ni Anne ng, “Di ’wag ka manood.”

Umani ng samu’t saring reaksyon ang bwelta ng aktres sa nasabing hater, may mga kumampi kay Anne pero meron ding na-turn off sa pagpatol niya sa netizen.

Sa panayam kay Anne ng media, natanong sa kanya ang tungkol sa kanyang viral post at nag-explain nga ang “It’s Showtime” host.

“Medyo Taglish dito. Medyo may English-English. Kaya kung ayaw ninyo, e ‘di wag kayo manood,” ang simulang hirit na biro ng aktres.

“Honestly, that wasn’t meant to blow up how it did. Parang, kunwari, si Vice (Ganda), kunwari si Vice yung kausap ko at sinabi niya, ‘Ano ba yung movie niyo? Puro English.’ 

“Ganu’n ko rin naman siya sasagutin. It wasn’t meant to be like a pataray. Parang ganun lang yun,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa niya, “Alam mo, minsan nasa ganun akong lugar na ngayon, baka hindi maganda gising ko. 

“But that’s okay. Sometimes we have our days and that day was my day. So, tao lang naman tayo,” pag-amin ni Anne.

The post Anne Curtis sa viral ‘Di ’wag ka manood’ comment: Tao lang naman tayo appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments