Responsive Ad

Pooh naglabas ng resibo, mas mahal ngang mag-travel sa Pinas kesa abroad

Pooh naglabas ng resibo na mas mahal nga mag-travel sa Pinas kesa abroad
Pooh

PINATUNAYAN ng komedyanteng si Pooh na mas mataas nga ang pamasahe sa eroplano sa domestic flight kumpara sa airfare patungo sa ibang bansa.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga Pilipino, lalo na yung mga mahilig mag-travel, ang hugot ng TV host na si Bianca Gonzalez tungkol sa mahal na flight sa Siargao.

Post ni Bianca, “Totoo. Bakit ganun. We booked a trip to Siargao and it is more expensive than a trip to Hong Kong, Bangkok, or Vietnam Mas mahirap suportahan ang lokal na turismo dahil ang mahal.”

At ngayon nga ay nag-share rin si Pooh ng kanyang experience at ikinumpara ang pamasahe ng domestic at international flight.

Ipinost ng stand-up comedian na kilala ring impersonator ni Manny Pacquiao sa kanyang Facebook page, ang pagbu-book ng Manila–Catarman–Manila na biyahe mula January 26 hanggang 29.

Ikinumpara niya ito sa airfare ng Manila–Hong Kong–Manila sa halos magkatulad na petsa.

Makikita sa ipinost niyang screenshots na umabot sa P17,388 ang kabuuang pamasahe ng round-trip flight mula Manila patungong Catarman, Northern Samar at pabalik sa Manila via domestic airline.

Sa isa namang screenshot makikita na ang round-trip flight mula Manila patungong Hong Kong at pabalik ng Manila ay nagkakahalaga lamang ng USD 292.60, o halos kapantay lang ng domestic fare.

Mababasa sa caption ni Pooh, “Sinubukan kong mag book ng Manila-Catarman-Manila and nag compare ako ng MANILA-HONGKONG-MANILA.. totoo nga ang tsismis! Halos pareho lang.

“#NorthernSamarTourism #DOTR #NorthernSamar #PAL Jan 26 to 29 nag compare lang ako,” saad pa ng comedian.

Narito naman ang mga comments ng mga nakabasa sa post ni Pooh.

“Mag hongkong nalang ako dinalang ako uuwi samin.”

“Kaya ayaw sumakay ng airplane Kasi nakakatakot ang pamasahi…hehehe.”

“I booked mine for 16k manila-catarman-manila, and 7.8k only for Clark-Hong Kong-Clark. The difference in crazy.”

“Dati may ibang airlines na bumabyahi dyan s catarman Ewan s Ewan at bakit tinigil kaya namonopolya ng pal kaya hayun walang Habas ang pal sa paniningil o baka mahal maningil ang catarman maraming may ari kaya umiiwas yung ibang airline TINGNAN nyo yung pier sa San Jose wala na ring dumadaong N barko dahil maraming lagayan s LGU.”

“Grabe sa ibang bansa na lang ako hahaha.”

The post Pooh naglabas ng resibo, mas mahal ngang mag-travel sa Pinas kesa abroad appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments