Responsive Ad

Fan ng SexBomb paulit-ulit na nag-split nang makabili ng ticket sa ‘rAWnd 5’

Fan ng SexBomb paulit-ulit na nag-split nang makabili ng ticket sa 'rAWnd 5'

TRENDING ang isang loyal fan ng SexBomb Girls matapos makabili ng ticket para sa “rAWnd 5” dance concert ng iconic group.

Kinaaliwan ng mga netizens ang video ng naturang female supporter ng grupo nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia na tuwang-tuwa nang maka-secure na ng ticket sa ikalimang araw ng SexBomb concert.

Mapapanood sa naturang video na kuha ng isang nagngangalang Kimberly May Mitsuyama, ang ilang beses na pag-split ng netizen. 

Sa unang bahagi ng post ay makikitang maraming nakapila sa ticketing booth ng isang mall para bumili ng ticket.

Kasunod nga nito, paulit-ulit na nag-split ang girlalu habang ibinabandera ang nabili niyang  concert ticket ng idol na idol niyang SexBomb Dancers.

Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang naturang video at tinawag ang fan na “certified pinalaki ng SexBomb”.

Kuwento pa ng uploader ng video na si Kimberly, nakakuha rin siya ng kanyang ticket para sa “rAWnd 5” concert ng SexBomb Girls na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa February 8, 2026.

Super successful ang unang gabi ng reunion concert ng grupo sa Smart Araneta Coliseum last December 4, 2025, na nasundan pa nga ng “rAWnd 2” sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City noong December 9, 2025.

At dahil nga sa request ng fans,  nagkaroon pa ng ikatlo at ikaapat na round ang dance concert sa February 6 at 7 na mabilis pa ring na-soldout. Kaya naman umabot na ito sa 5th round.

The post Fan ng SexBomb paulit-ulit na nag-split nang makabili ng ticket sa ‘rAWnd 5’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments