Responsive Ad

Alden Richards nakapag-recharge sa US, bumawi ng quality time sa pamilya 

Alden Richards nakapag-recharge sa US, bumawi ng quality time sa pamilya 
Alden Richards kasama ang familya

KAHIT paano’y nakapag-recharge ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kasama ang kanyang pamilya nang magbakasyon siya sa Amerika.

Nakabalik na sa Pilipinas ang Kapuso superstar kamakailan lamang after ng dalawang linggo sa US nitong nagdaang holiday season.

Maikling panahon lang ang iginugol ni Alden sa Amerika pero aniya, naging makabuluhan at memorable ang bakasyon nila uli ng kanyang pamilya spending quality time together.

Ayon sa award-winning actor at TV host, medyo nakapahinga naman siya with his family and ready to work again ngayong 2026 dahil marami siyang naka-line up na projects sa GMA 7.

“Hindi kami masyado lumabas sa area, so there were no planned long trips. Nandoon lang kami most of the time sa bahay tapos kain lang sa labas,” pahayag ni Alden sa panayam ng “24 Oras.”

Todo pasalamat din ang binata dahil nabigyan uli siya ng pagkakataon na makasama ang pamilya noong holiday.

“It’s really more of having quality time with family, kasi ayun ‘yung medyo nawala last year, and also ayun din ‘yung isa sa mga nagiging recharge moments ko,” saad ni Alden.

Sa pagsisimula ng Bagong Taon, magiging busy na ang premyadong aktor sa kanyang comeback project, ang upcoming Kapuso medical series na “Code Gray.”

Bukod dito, meron pa siyang international film na “Big Tiger”, kung saan for the first time ay gaganap siyang kontrabida. Isa rin siya sa mga producer ng pelikula.

Ka-join din sa “Big Tiger” ang kapwa Kapuso star na si Max Collins with international actors na sina Byron Mann, Katherine McNamara, at Luke Goss.

The post Alden Richards nakapag-recharge sa US, bumawi ng quality time sa pamilya  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments