McCoy de Leon nakahalik sa krus ng Jesus Nazareno: Hindi kita susukuan
ABOT-LANGIT ang pagpapasalamat ni McCoy de Leon dahil nagawa niyang makahalik sa krus ng Poong Jesus Nazareno.
Nangyari nga ito sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim Na Nazareno at sa naganap na Traslacion nitong nagdaang Biyernes, January 9, 2026.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni McCoy ang kanyang naging karanasan sa Traslacion. Hindi na raw niya inasahan na aabot at makakadalo pa siya sa prusisyon.
“Nu’ng una akala ko hindi na ako aasa na aabot dahil natapos ako ng 2 am sa taping.
“Sa susunod na taon nalang ako babawi kaya bumili nalang ako ng mga panyo tsaka tshirt para syempre sa baby ko,” ang pahayag ng Kapamilya actor sa kanyang social media post.
Ang ginawa raw niya ay dumaan na lamang sa Quiapo upang makapagdasal at masilip kung ano na ang mga kaganapan sa loob ng simbahan.
Pero nu’ng pauwi na raw siya ay parang hindi siya mapakali at parang may nararamdaman siyang kulang kaya agad niyang inalam kung nasaan na ang andas nu’ng mga oras na yun.
“Muli ko siyang nakita ulit palapit ng palapit. Hangang tinulungan ako ng mga kapatid (lalo na tong kapatid ko na to si Johnny Najera). Sobrang sarap sa pakiramdam at NAKHALIK AKO SA KRUS NIYA,” ang pahayag pa ni McCoy.
Aniya pa, “Poong Nazareno hindi kita susukuan tulad ng hindi mo pagsuko sa akin.”
Isa si McCoy sa mga artistang matagal ng deboto ng Jesus Nazareno. Nakadalo rin siya sa Traslacion noong nakaraang taon.
The post McCoy de Leon nakahalik sa krus ng Jesus Nazareno: Hindi kita susukuan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments