Responsive Ad

Dingdong Dantes sa pagsabak sa politika: It’s something that I don’t want 

Dingdong Dantes sa  pagsabak sa politika: It's something that I don’t want 
Dingdong Dantes at Marian Rivera

MARAMI ang nagtutulak sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na sumabak na rin sa mundo ng politika dahil tiyak na raw ang pagkapanalo niya.

Hinulaan pa nga ng tinaguriang “Asia’s Nostradamus” na si Jay Costura sa pagpasok ng 2026 sa vlog ni Aiko Melendez na nararamdaman daw niyang papasukin ni Dingdong ang politika sa mga susunod na taon.

Pero mukhang wala talagang balak si Dingdong na tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno sa susunod na eleksyon base sa latest pronouncement ng aktor at TV host.

Sa latest episode ng “Janno & Bing” vlog ng mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga ay napag-usapan nga ang tungkol sa politika at ang pagiging malapit ni Dingdong noon kay dating Pangulong Noynoy Aquino .

“You’re close to PNoy  before, wala bang plan? Kasi kapag tumakbo ka, iboboto kita. Totoo ‘yon,” komento ni Janno.

Reaksyon ni Dingdong, “Sa akin, malinaw na I’m doing this for the love of the community. Of course, lahat ‘to ay sa aking desire to serve. Pero may iba-iba namang paraan to show that service, e.

“And I think being in that arena, in politics, to be particular, is something that I don’t want. 

“Kasi I have more freedom doing these things as a private citizen, as a member of the community. And sa tingin ko, dito ako nilagay,” ang diretsahang pahayag ng mister ni Marian Rivera.

Sey naman ni Marian, “Nakaka-proud na ito ‘yung kasama ko sa buhay. Lahat na ginawa niya, parang sabi ko, ‘Sige, hanggang kaya, support kita diyan.’ 

“Sabi nga ni Dong, ‘Tayo-tayo lang magtutulungan dito, walang iba.’ Nakaka-proud na ginawa niya talaga ‘yung Aktor (grupo ng mga artistang pinamamahalaan ni Dingdong),” sabi ng Kapuso Primetime Queen.

Nauna nga rito, hinulaan nig psychic na si Jay Costura na sasabak si Dingdong sa politika, “I can feel. Kasi nakikita ko sa aura niya nando’n ‘yong natural na servant siya, e.

“So sa nakikita ko talaga mayro’n siyang career line or nagdo-draw ang energy niya sa politics these coming years,” ani Jay.

The post Dingdong Dantes sa pagsabak sa politika: It’s something that I don’t want  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments