Kiray Celis humiling magka-baby sa Traslacion 2026; Angeline Quinto nagtanghal
BILANG mga deboto ng Poong Jesus Nazareno, hindi nagpahuli ang newly weds na sina Kiray Celis at Stephan Estopia sa Traslacion 2026.
Bukod sa panata, may espesyal ding kahilingan ang mag-asawa…ang mabasbasan ng kanilang first baby.
Sa Facebook, ibinandera ni Kiray ang kanyang pagbabalik-tanaw sa matagal na nilang debosyon sa Jesus Nazareno.
“Ilang taon na akong deboto ng Poon Jesus Nazareno at bata na akong kumakanta every year para sa Poon Jesus Nazareno. Six years na mag-jowa at every year sabay kaming pumupunta. At ngayon, kasal na, sabay pa rin kaming pupunta!” caption niya.
Baka Bet Mo: Erwin Tulfo ilang beses niligtas ng Jesus Nazareno: ‘This is my 12th life’
Nag-post din siya ng kanilang pag-asa na sa susunod na maki-join sila sa Traslacion ay may kasama na silang munting biyaya.
Wika pa ng aktres, “Salamat sa lahat ng blessings, AMA. Mahal na mahal ka namin! Sana po sa susunod na punta namin sa’yo, may baby na po kami.”
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpermalink.php%3Fstory_fbid%3Dpfbid02uRn6kcPrpkwtRW8J7ygx69o6UhT4Tr5n68Us2n5ptZGCvc5wxNZ11Hjvv8ynuRVzl%26id%3D100044281126776&show_text=true&width=500" width="500" height="709" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Si Kiray, na unang nakilala bilang child star sa “Goin’ Bulilit,” ay matagal nang bukas tungkol sa kanyang matibay na pananampalataya sa Poong Jesus Nazareno.
Sa mga nagdaang taon, ibinahagi niya kung paanong naging gabay ang kanyang pananalig sa kanyang personal at propesyonal na buhay.
Siya at si Stephan, isang dating seafarer, ay anim na taon munang naging magdyowa bago nagpakasal nitong Disyembre sa isang intimate na church wedding sa Pasay City.
Samantala, hindi rin nagpahuli ang kapwa celebrity Nazareno devotee na si Angeline Quinto na nakilahok din sa Traslacion ngayong taon.
Bago pa man umarangkada ang prusisyon nitong Biyernes, January 9, inawit ng singer ang inspirational song na “Huwag Kang Mangamba” sa Quirino Grandstand.
Nagbahagi rin si Angeline sa Facebook ng ilang pictures, kabilang na ‘yung hinahawakan ang imahe ng Poong Jesus Nazareno, pati na rin ng ilang behind-the-scenes moments ng kanyang performance.
“Maligayang Kapistahan AMA [folded hand emoji] Viva SeƱor Jesus Nazareno,” saad niya sa post, kalakip ang hashtag “Traslacion 2026.”
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FAngelineQuintoOfficial%2Fposts%2Fpfbid0849FLuojVYW6UE99hUXJL4gbmZe7fsujDgkb9ZwF9bkb8rXM8Uf3WL25ver67VsXl&show_text=true&width=500" width="500" height="690" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Bukod kina Kiray at Angeline, ilan pa sa mga kilalang celebrity na kilala rin bilang deboto ng Poong Jesus Nazareno ay sina Coco Martin, McCoy de Leon, Giselle Sanchez, at marami pang iba.
The post Kiray Celis humiling magka-baby sa Traslacion 2026; Angeline Quinto nagtanghal appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments