Responsive Ad

Carla Abellana nagparinig sa socmed: ‘Ehem, ehem, looking for work!’

Carla Abellana nagparinig sa socmed: ‘Ehem, ehem, looking for work!’
PHOTO: Instagram/carlaangeline

MUKHANG walang balak magpahinga ang batikang aktres na si Carla Abellana kahit kakakasal lang niya kamakailan lang.

Ayon kasi sa kanya, handang-handa siyang magtrabaho at bukas sa mga project offers.

Ang pahayag na ‘yan ay ibinandera mismo ng aktres sa kanyang Instagram Story.

“Hello! Just to put it out there, I am not on leave nor will I be on leave anytime soon,” caption ni Carla.

Baka Bet Mo: Carla Abellana sa 2nd wedding: Mabi-beat ko na yung record ko! 

Dagdag pa niya, “I am ready for work anytime. Ehem ehem. Looking and been waiting for work.”

Noong December 27 nang ikasal si Carla sa doktor na si Reginald Santos na ginanap sa Alfonso, Cavite.

Pagbubunyag ng aktres sa kanyang panayam kay King of Talk Boy Abunda, si Reginald ay kanyang first first boyfriend at first love.

Ikinuwento pa nga niya kung paano nagsimula at nagtapos ang kanilang pagmamahalan noong high school, at muling nagbalik ang kanilang romance noong 2022 o 2023.

Nagbiro pa si Carla na ang kanyang kasal ngayon ay nahigitan ang tagal ng kanyang unang kasal, na tumagal lamang ng pitong linggo.

Kamakailan lang, si Carla ay bumida sa “Shake, Rattle & Roll Evil Origins,” na isa sa official entries sa 2025 Metro Manila Film Festival.

The post Carla Abellana nagparinig sa socmed: ‘Ehem, ehem, looking for work!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments