Mark Herras balak nang magpakapon, ayaw gumamit ng condom

PLANO nang magpa’-vasectomy o magpakapon ng Kapuso actor at dancer na si Mark Herras para hindi na madagdagan ang anak nila ni Nicole Donesa.
Okay na raw kay Mark Herras ang dalawa nilang anak ni Nicole – sina Mark Fernando “Corky” Donesa Herras, 4, at Mija, na ipinanganak last June, 2025.
“Magpapakapon na ako, eh. Napag-usapan namin ni Nicole ‘yan pero hindi ko pa alam kung kailan.
“Siyempre, pinag-iisipan ko nang maigi. Actually, nag-uusap pa lang kami tungkol dito. Hindi pa naman siya final,” sey ni Mark sa star-studded Maddox Jewelry Fashion Show na ginanap last December 4.
“Pero ‘yun ang gusto namin. Para ma-prevent na rin ang maraming anak,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Mark Herras, Jojo Mendrez naispatan sa Batangas, may pasorpresa sa Pasko?
May nagkomento naman sa naging pahayag ni Mark na pwede naman daw siyang mag-condom para hindi na mabuntis uli ang kanyang misis.
Ang diretsong sagot ni Mark, “Ayoko ng condom.”
Paliwanag pa ng aktor, “Hindi sa natatakot ako sa responsibilidad, hindi rin sa ayoko, kasi may dalawang anak na ‘ko, eh.
“Ang iniisip ko lang siguro, ‘yung capacity, like ngayon, ‘di ba, like ‘yung trabaho ko with GMA or ‘yung trabaho ko outside showbiz, hindi pa siya ganu’n ka-stable.
“So, kung magdadagdag kami, ayan, mahal ang pang-school ng bata. ‘Pag nanganak pa lang si Nicole, ‘yung gatas. So, parang family planning lang,” saad pa ng aktor.
Sa tanong kung na-inspire ba siya sa pagpapa-vasectomy ng Kapuso TV host na si Drew Arellano, “Actually, nu’ng nakita ko ‘yung kay Drew, sabi ko, ‘may gumagawa naman pala talaga.’”
Samantala, isa si Mark sa mga celebrity na rumampa sa runway suot ang eleganteng diamonds ng Maddox Jewelry na pag-aari ni Charo Cordial.
Bukod kay Mark, rumampa rin sa event sina Annabelle Rama, Diana Zubiri, EA Guzman, Jao Mapa, husband and wife Aubrey Miles and Troy Montero, Boom Labrusca, Desiree del Valle, Daiana Meneses, Ara Mina, Katya Santos, Ramon Christopher, Jomari Yllana and wife Abby Viduya, Polo Ravales at Maui Taylor.
The post Mark Herras balak nang magpakapon, ayaw gumamit ng condom appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments