Panawagan ni Kathryn Bernardo na ‘pagtulong ng walang camera’ fake news
“FAKE news!” Iyan ang paglilinaw ng Star Magic sa kumakalat na mga balita sa social media patungkol sa Kapamilya Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.
May mga naglabasan kasing arrcards at news items na nananawagan si Kathryn sa sambayanang Pilipino na tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong nang walang kamerang nakatutok.
Sa pamamagitan ng Instagram, mariing dinenay ng talent management ni Kathryn na walang inilalabas na ganu’ng statement ang aktres at isa raw itong pekeng balita.
“Star Magic would like to inform the public that our artist Kathryn Bernardo did not make the remark that is circulating on social media,” ang mababasa sa IG post ng Star Magic.
“We ask everyone not to share the fake post and to verify information before sharing,” ang paalala pa ng talent management arm ng ABS-CBN.
Ni-repost din ito ni Kathryn sa kanyang Instagram story.
Narito ang reaksyon ng mga netizens sa naturang fake news.
“Sabi na fake news yun e. Sa rally nga tahimik sya tas biglang my post nyan. daming paninira talaga.”
“Agree ako dito kaya pinapala.”
“Buti pa tong star magic pinoprotektahan mga artista nila samantalang sa sparkle artists gma kanya kanya sila katulad nlng issue ni jillian.. kawawa din ibang artists nila”
“Mga post na ganyan dapat nirereport eh.. smh.”
“Always stand with our girl.”
“Protect Our Asia’s Billionaire Superstar.”
“She is not relevant anymore. It’s ok.”
“Marami ng fakenews now a days dahil kay meta na lahat nalang pwede pagkakitaan”
“Nasanay na ang DDS gumawa ng kwento at manira. Dami pa yan sa iba’t ibang artists nyo, scan lang sa reddit, blue app at clock app…pinagkakitaan ang walang kwentang content.”
“Ganito sana. pakisunod yung mga na sa x at reddit.”
“ND Yan mgkkita s Nfeed q nd Yan mkkita na pptulan q ishare kc fact check muna bgo post… Xmpre Queen Kath aq.”
Noong kasagsagan ng isyu sa nakawan at korapsyon sa gobyerno, partikular na sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay binatikos si Kathryn dahil sa pagiging tahimik nito sa issue.
Habang ang mga kapwa raw niya celebrities ay lantarang nakikipaglaban para sa kapakanan ng sambayanan, si Kath naman daw ay parang dedma lang sa mga kaganapan.
The post Panawagan ni Kathryn Bernardo na ‘pagtulong ng walang camera’ fake news appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments