Nathalie Hart choosy na sa next dyowa: Ayoko namang magpakain ng lalaki, no!
FEELING ng aktres na si Nathalie Hart, mas wais na siya ngayon pagdating sa pagpili ng lalaking posibleng maging dyowa niya.
Walang karelasyon ngayon si Nathalie pero super enjoy naman siya bilang single mom sa kanyang anak mula sa partner niya noon na isang Indian.
Ayon sa aktres, may mga requirements na siya sa susunod na dyowa matapos hindi mag-work ang mga nakarelasyong AFAM o foreigner.
“Siyempre, stable na rin ako ngayon. Ayoko namang magpakain ng lalaki, day! Siguro nu’ng kabataan ko pwede,” sabi niya tungkol sa hinahanap na magiging bagong ‘papa.’
“Pero ngayon na nagpapaaral na ako ng bata (anak niya) parang nakakapanghina naman ‘yun na may papakainin pa ako, na magpapaaral pa ako,” sey ni Nathalie sa panayam ng media sa presscon ng bago niyang project, ang iWant series na “AFAM Wives Club”.
Sa tanong kung handa na siyang ma-in love uli, “Hindi ko alam kung ready na ako kasi lalabas pa nga lang ako ng bahay parang pagod na ako, eh. So, hindi ko alam kung pwede na akong makipag-eme agad.”
Wala rin daw siyang dini-date ngayon, “Wala ngang lumalapit sa akin sa Pilipinas. Parang natakot na ako sa AFAM kasi.
“Ayaw ko rin ng dating app kasi puro eme lang. Gusto ko ‘yung pangmatagalan na talaga,” sey pa ng sexy actress.
Dagdag pa niyang chika, “Ayaw ko rin ng artista. Lalong sasakit ang ulo ko niyan. Pero kung politician, yes. Contractor!” sabay tawa ni Nathalie.
Sabi ni Nathalie, never pa siyang nagkadyowa na celebrity o politiko, “Wala, kasi nu’ng nagtatrabaho ako, AFAM na ‘yung dyowa ko, ‘yung tatay ng anak ko. Tinatago ko lang siya. Tapos nu’ng may nabuo na, du’n ko lang sinabi na, ‘this is it.’”
Sey pa ng aktres, kahit may sustento ang anak niya sa ama nito, hati pa rin sila sa lahat ng gastos ng bata, “So that’s why, working girl si ate, si Inday.”
Annulled na rin daw siya sa pinakasalan niyang Australian, “Yes. Hindi naman ako kinasal sa Pilipinas. Sa ibang bansa, Australia. Kaya walang issue.”
Dinenay din niya ang tsismis noon na battered partner siya sa tatay ng kanyang anak, “Hindi. Never, pero hindi lang talaga kami nag-click. Kasi talagang magkaiba ‘yung ugali namin. At tsaka ‘yung cultural problems talaga. Kasi iba ‘yung ugali nila, iba rin ‘yung ugali ng Pilipino.”
Samantala, bapapanood na ngayon ang bagong reality series ng iWant, with Project 8 Projects na “AFAM Wives Club” kung saan tampok ang mga totoong kwento ng mga Filipina sa cross-cultural relationships at kung paano nila natagpuan ang pag-ibig sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at lahi.
Susundan ng serye ang apat na kababaihang Filipina na magbabahagi ng kanilang mga karanasan sa pag-ibig, pamilya at pagtuklas sa sarili.
Kabilang sa cast sina Mari Fowler na ipapasilip ang kanyang journey tungo sa pagiging ina, Keylyn Trajano, ang kasalukuyang Miss Universal Woman at isang proud transgender Filipina, na patuloy ang pagbibigay inspirasyon sa kanyang tapang at katapatan sa pag-ibig.
Julia Chu, isang abogada at negosyante, na magbabahagi kung paano niya binabalanse ang karera at buhay pag-ibig, at si Nathalie Hart na magkukwento ng kanyang karanasan bilang single mother at kung paano muling magsisimula sa buhay matapos ang kanyang divorce.
The post Nathalie Hart choosy na sa next dyowa: Ayoko namang magpakain ng lalaki, no! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments