Tipid Tips: Mutya Orquia bibida sa ‘Estudyantipid’ ng Knowledge Channel

MAGBABAHAGI ng tipid tips sa mga kabataan ang Kapamilya young actress na si Mutya Orquia na bibida sa bagong episodes ng “Estudyantipid.”
Isa itong exciting at makabuluhang series na tumatalakay sa usaping pera handog ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa pakikipagtulungan ng BPI Foundation.
Gagampanan ni Mutya ang papel ng isang estudyanteng nais matutong humawak ng pera sa seryeng layuning turuan ang mga kabataang Pinoy ng tama at praktikal na paghawak ng pera.
Tampok sa bagong episodes ng “Estudyantipid” ang mga napapanahong isyu tungkol sa pera na madalas na pinoproblema ng kabataang Pinoy matapos ang matagumpay na unang bahagi nito noong 2024.
Tatalakayin sa serye kung paano makaiwas sa mga panloloko o scam, mga pangunahing konsepto sa pagnenegosyo, mga praktikal na kaalaman sa paghawak ng pera, at iba pa.
Mapapanood ang mga bagong episode ng “Estudyantipid” tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo sa ganap na 1:40 p.m. sa BEAM Channel 31, cable, direct-to-home satellite, direct-to-home satellite, at digital black boxes.
Pwede ring abangan ang “Estudyantipid” sa Kapamilya Online Live tuwing Sabado, 7:40 a.m. to 8:20 a.m., at sa Kapamilya Channel tuwing Linggo simula Agosto 10, mula 8:15 a.m. hanggang 8:40 a.m.. Available rin ito sa iWant.
The post Tipid Tips: Mutya Orquia bibida sa ‘Estudyantipid’ ng Knowledge Channel appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments