Responsive Ad

Rhian Ramos tumakbong hubad sa Meg & Ryan; JC Santos may ‘John Lloyd feels’

Rhian Ramos tumakbong nakahubad sa 'Meg & Ryan'; JC may 'John Lloyd feels'
JC Santos, Rhian Ramos at Catherine Camarillo

NAKAKA-GOOD vibes at totoong nakakakilig ang pelikulang “Meg & Ryan” na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at JC Santos.

Ito’y sa direksyon ni Catherine O. Camarillo at mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa produced by Pocket Media Productions Inc..

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang “Meg & Ryan” sa naganap na Red Carpet Premiere Night nito last July 29 sa SM Megamall Cinema 3. 

In fairness, na-enjoy namin nang bonggang-bongga ang unang tambalan sa pelikula nina JC at Rhian dahil bukod sa napakagaling nilang pareho ay pak na pak din ang pagkakabuo sa kuwento.

Iikot ang kuwento sa alcoholic at super rich girl na si Meg (Rhian) at sa simpleng binata na virgin pa rin sa edad na 35 na si Ryan (JC). Pagtatagpuin sila ng tadhana hanggang sa ma-develop at ma-in love sa isa’t isa.

Si Meg ang nakadonselya (devirginize) kay Ryan na nangyari dahil lamang sa isang challenge ng kanyang mga girl friends. Dito na magsisimula ang mga twist and turns sa kuwento ng “Meg & Ryan”.

Maganda ang pelikula – bukod sa bago ang atake ni Direk Catherine sa kuwento, napakagaling nina JC at Rhian. Nagmumura ang chemistry nila on screen at in fairness, pasabog din ang pakilig nila sa movie.

Sabi nga namin, may John Lloyd Cruz at Bea Alonzo feels ang “Meg & Ryan”, lalo na ang confrontation scene nila habang umuulan at ang super pakilig na eksena sa ending na siguradong ikatutuwa ng manonood.

Isa pa sa soguradong pag-uusapan ng fans ay ang pagtakbo ni Rhian sa ulanan nang nakahubad habang tinatakpan ang boobs ng kanyang kamay — ito ang unang pagkikita nila ni JC sa movie.

May mga nagkomento na nakapanood na rin sa pelikula na perfect ang tambalan nina Rhian at JC, hindi pilit, hindi baduy, hindi corny at may aktingan talagang ipagmamalaki sa manonood.

Ayon kay Rhian, malaki ang naitulong ni JC sa kanilang mga eksena, “He was leading me in the scenes. Kasi sometimes when you do a scene with someone it’s like you’re dancing with them.

“Nagsasaluhan kayo ng ginagawa, parang ganu’n. So, more of nagsasaluhan kayo ng energy. So, I really felt na he would lead me through the scenes,” ani Rhian.

Tama rin ang sinabi ni Rhian nang makachikahan namin siya na kinausap sila ni Direk Cathy na before every scene ipapa-feel nito ang kilig.

“Ipapa-feel niya ang kilig, ikaw mismo habang ginagawa iyong eksena, kinikilig na. So, nadadala ako sa kanya, I mean lahat ng gusto kong ibigay sa movie na ito, ibibigay ko.

“I want to give everything. Kulang na lang maghubad ako,” ang natawang chika ng Kapuso actress na ang tinutukoy nga ay ang nakakaloka niyang nude scene sa ulanan.

Hindi na nakapagtataka kung ma-nominate at manalo ng best actress at best actor award sina Rhian at JC para sa “Meg & Ryan”  dahil napakarami nilang ipinakita sa pelikula na siguradong tatatak sa audience.

Showing na ang “Meg and Ryan” sa mga sinehan nationwide simula sa August 6. Kaya kung gusto n’yo ng dekalibreng pelikula na sulit ang ibabayad n’yo, watch na ng “Meg & Ryan”! 

The post Rhian Ramos tumakbong hubad sa Meg & Ryan; JC Santos may ‘John Lloyd feels’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments