Lance Carr hinding-hindi malilimutan payo ni Seth Fedelin paglabas ng PBB

MATAPOS ang inaabangang pagganap niya bilang Clyden Ramirez sa series adaptation ng Wattpad novel na “Avenues of the Diamond”, inaasahang mas marami pang pasabog si Lance Carr para sa kanyang fans.
Nagsimula si Lance sa entertainment industry bilang housemate sa “Pinoy Big Brother: Otso” noong 2018. Paglabas ng Bahay ni Kuya, gumanap siya ng iba’t ibang supporting roles sa ilang ABS-CBN shows.
Kabilang na riyan ang “Bawal Lumabas: The Series” (2020), “Beach Bros” (2022), “Drag You & Me” (2023), at “Dirty Linen” (2023).
Makalipas ang dalawang taon matapos niyang pumirma ng co-management deal kasama ang ang kanyang manager na si Patty Yap sa Viva Artists Agency, nakuha rin niya ang kanyang biggest break.
Ito nga ang lead role bilang Clyden sa “Avenues of the Diamond” kung saan nakasama niya si Aubrey
Caraan bilang Samantha Vera.
Ang series ay mula sa ikaapat na libro ng University Series ni Gwy Saludes at sa direksyon ni Gino M. Santos.
Matapos ang final episode ng “Avenues of the Diamond” nitong July 25, handa na si Lance na pasayahin ang mga tagahanga ng mga pinakamalaking serye ng Viva One sa VIVARKADA.
Isa itong ultimate fancon and grand concert kung saan tampok ang mga bituin ng mga hit shows ng Viva, tulad ng University Series, “Ang Mutya ng Section E”, “Seducing Drake Palma”, and “Bad
Genius: The Series” na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa August 15.
Bukod dito, tuloy-tuloy ang mga bagong projects ni Lance sa ilalim ng Viva. Kasama na rito ang role niya sa upcoming Viva Films movie na “Minamahal”, na pagbibidahan nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga.
Handang-handa na si Lance sa bagong yugto ng kanyang career pagkatapos ng “Avenues of the Diamond.” Determinado siyang mas patibayin pa ang passion niya sa pag-arte sa bawat proyektong darating para sa kanya.
Nakausap ng ilang members ng press si Lance kasama ang BANDERA kamakailan sa mediacon na ibinigay sa kanya ng VAA para magbigay updates about his career.
Pahayag ng binata, “It was a very long six years because 2019, nu’ng nag-PBB ako and pagkalabas ko, there’s this, like, instant healing.
“I am sure all the housemates would agree, hindi celebrity housemates, ha? Yung talagang regular housemates, I would say that they would agree na pagkalabas mo, ‘O artista na ako. Sikat na ako.’
“Pero hindi ko makakalimutan ang sinabi sa akin ni Seth Fedelin nu’ng nag-guest siya sa PBB namin, ‘Ang tunay na laban, hindi sa loob kundi sa labas.’
“It’s really parang kung gaano mo kagusto yung trabaho mo, kung gaano ka maghirap, how hard you’re willing to work for it para makuha mo yung mga gusto mong ma-achieve,” ani Lance.
The post Lance Carr hinding-hindi malilimutan payo ni Seth Fedelin paglabas ng PBB appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments