‘Congressmeow’ Barzaga ilalaban parusang death penalty sa ‘animal cruelty’

MGA ka-BANDERA, payag ba kayong parusahan ng death penalty ang lahat ng mga mapatutunayang guilty sa animal cruelty?
Kamatayan ang nais ipataw na kaparusahan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga sa mga lalabag sa mga umiiral na batas para sa proteksyon at seguridad ng mga hayop.
Sa kanyang Facebook page, ipinagdiinan ni Barzaga na walang puwang sa lipunan ang karahasan sa mga hayop at dapat lang itong tapatan ng death penalty.
“Animal cruelty is an injustice that has no place in our society, I propose a legislation that provides death penalty by firing squad to animal abusers,” ang pahayag ng baguhang kongresista.
Bukod dito, nangako rin si Barzaga na gagawa siya ng mga karagdagang batas para sa mga “stray asodogs” at “posacats” sa 20th Congress.
Bukod sa isyu ng animal cruelty, minsan na ring nabanggit ng mambabatas ang pagpapatupad ng death penalty para sa mga maliliit na paglabag sa batas ngunit pinapaulit-ulit umanong gawin, tulad ng simpleng pagtatapon ng basura.
“I would argue that repeated littering on a severe degree is worthy of the death penalty, since littering is an intentional act that damages the environment and harms indigent communities,” aniya.
Sa ilalim ng Republic Act No. 9346, mariing ipinagbabawal ang pagpapatupad ng death penalty sa bansa. Tinanggal ito noong 2006 sa administration ng dating Pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo.
Lethal injection ang ginamit na paraan noon sa mga inabutan ng death penalty sa Pilipinas.
The post ‘Congressmeow’ Barzaga ilalaban parusang death penalty sa ‘animal cruelty’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments