Responsive Ad

Ogie Diaz kay Liza Soberano: Naawa ako sa kanya pero napakatapang!

Ogie Diaz kay Liza Soberano: Naawa ako sa kanya pero napakatapang!
Liza Soberano at Ogie Diaz

PINATOTOHANAN ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz ang lahat ng rebelasyon ni Liza Soberano tungkol sa kanyang masalimuot na kabataan.

Alam ni Ogie ang lahat ng mga nangyari kay Liza at sa kanyang mga magulang bago pa niya ito ipakilala bilang talent ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sa isang episode ng podcast-cinema-documentary sa YouTube channel na “Can I Come In?” ibinahagi ng aktres ang pinakamadilim na bahagi ng kanyang kabataan na nangyari sa Amerika.

Bukod dito, kinumpirma rin ni Liza ang hiwalayan nila ng kanyang ka-love team na si Enrique Gil na nangyari raw three years ago pa 

After this, nagbahagi nga ng reaksiyon si Ogie sa mga revelation ng dati niyang talent sa YouTube channel nitong “Showbiz Updates”.

Ani Ogie, magkahalong awa at paghanga ang naramdaman ni Ogie sa mga nangyari kay Liza na patuloy na nakikipagsapalaran sa Amerika para sa kanyang Hollywood dream.

“Naawa ako at the same time, ang tapang. Napakatapang ni Liza Soberano,” sabi ni Ogie.

Kinumpirma ni Mama Ogs ang lahat ng naging pahayag ni Liza dahil talagang kinikilala niya nang husto ang kanyang mga talent na mag-aartista.

“Kailangan makilala mo ‘yung talambuhay niya, ‘yung kaniyang istorya ng buhay, kung saan siya nanggagaling. Kunwari masyadong mabait ‘yung bata, tatanungin ko.

“Kaya ‘yung sinabi ni Liza, ‘yung kuwento ng buhay niya nu’ng maliit siya, totoo ‘yun,” chika pa ni Ogie.

Ayon pa kay Ogie, wala daw siyang planong i-invalidate ang mga rebelasyon at nararamdaman ni Liza matapos niyang ilantad ang lahat sa “Can I Come In.”

Ayon pa sa talent manager, ibang-iba na ngayon si Liza kung ikukumpara sa personalidad nito noong talent pa niya at halos hindi na raw niya ito kilala.

“Pero ngayon, siyempre, nag-iba na. Grabe ‘yung pag-ikot ni Liza, 360 degrees. Hindi mo makikita ‘yung dating Liza sa Liza na napanood mo sa vlog,” aniya pa.

Kung matatandaan, inamin ni Liza sa  isang panayam na may tampo siya sa dating manager na si Ogie dahil sa isyu ng pagiging ungrateful o kawalan ng utang na loob.

The post Ogie Diaz kay Liza Soberano: Naawa ako sa kanya pero napakatapang! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments