Responsive Ad

Nanay na nape-pressure sa 7th b-day ng anak binoldyak ng netizens, anyare!?

Nanay na nape-pressure sa 7th b-day ng anak binoldyak ng netizens, anyare!?
Stock image

BINOLDYAK ng mga netizen ang isang nanay na naguguluhan daw kung paano ise-celebrate ang 7th birthday ng kanyang anak.

Sa halip na makakuha ng simpatya ay marami ang naloka at nabwisit kay mommy dahil feeling nila mas pinahahalagahan nito ang sarili at ang mga taong nakapaligid sa kanila.

Humihingi ng advice bilang nanay ang naturang netizen na nape-pressure at naguguluhan sa darating na ika-7 kaarawan ng kanyang anak.

“I need some advice. Naguguluhan ako. mag 7th birthday na kasi anak ko sa October. Tinanong ko anak ko kung paano gusto nya icelebrate yung birthday nya. 

“Ang Sabi nya gusto daw nya swimming at travel lang kagaya nung nag vacation kami sa dagat last summer,” ang simula ng open letter na ipinadala ng naturang ina sa Facebook page na “Peso Sense.”

As a mother, gusto raw niyang ipagdiwang ang birthday ng anak with a children’s party sa isang kilalang fastfood chain.

“Wag nyo sana ako i-judge, ito talaga bumabagabag sa isip ko. Gusto ko sya ipagbongga ng celebration, dahil nape-pressure ako sa nakapaligid sa amin. Masyado maraming judgemental na mga nanay. 

“Ayokong isipin nila baka kawawa naman ang anak ko, hindi ko pinag handa ng bongang celebration. Kaso ayun talaga gusto ng anak ko. 

“Ayaw din naman namin sobrang daming bisita dahil ang hassle. Plus mahiyain din ang anak ko. Ayaw nya ng center of attention sya baka hindi din sya mag enjoy,” pagpapatuloy ng problemadong nanay.

Aniya pa, “Kaso na pressure ako sa mga nakapaligid sa amin at nag eexpect din. Dahil mga kalaro nya sobrang bongga din ng birthday. Ewan ko ba naguguluhan ako. Please enlighten me.”

Narito ang mga reaksyon ng nakabasa sa kanyang liham.

“You’re not doing it for your kids’ happiness, you’re doing it to satisfy your own pride. You’re not really pressured by others’ opinions, but by your own need to prove something. You see others throwing grand celebrations for their children, and you want to match that not out of love, but to show that you can afford it too. It’s not about pressure; it’s about ego and wanting others to see you as capable as them. Oh please, they’re not judging you they probably don’t even care. But sure, go ahead and compete with people who aren’t even playing.”

“1st time ko mgcomment sa gnto. Moms sila ba ang may bday diba anak mo. Kung ano gusto ng anak mo ayun sundin mo. Bat mo iisipin ibang tao. Kahit nmn gumastos ka ng bongga sa bday ng anak mo may mga side comment pa din yang mga nkapaligid sayo. Nkatipid kna masaya pa anak mo “

“You are the problem. And you need to see that. The sooner, the better. Do not live your life meeting people’s expectations.”

“So long as you are at peace and no one is affected by your actions, you are good.”

“If I were you po mommy.. susundin ko ang gusto ng celebrant kung san sya sasaya .. hayaan mo ang sasabihin ng nkapaligid sayo gusto lng nean makikain.”

“Yung mga tao na iniisip mo after a few years makakalimutan na nila yung 7th birthday ng anak mo, pag yung anak mo ang sinunod mo maaalala nya yan forever.”

“Mas ok ung kung ano gusto ng anak mo, kysa nmn isipin mo ung mga nakapaligid s inyo.  N wala nmn ampag , s panahon ngayun hinde n uso makipagpaligsahan s iba. Bhla sila, basta kayo masaya at masaya ank mo ,ok n un.”

“Nagsabi na nga po ang anak mo ng gusto nya tapos ippressure mo pa sarili mo. dnt please others mii, mas maaalala ng anak mo ung magpapasaya sa knya.”

“Go for travel na want ng anak mo. mas memorable sa kanya Yun since matutupad gusto nya sa birthday niya. bawi ka na lang sa 18th Birthday.” 

The post Nanay na nape-pressure sa 7th b-day ng anak binoldyak ng netizens, anyare!? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments