Kim delos Santos 8 years nang single, na-trauma na nga ba sa lalaki?

NANINIWALA ang dating Kapuso actress na si Kim delos Santos na darating at darating ang lalaking itinadhana sa kanya kahit hindi niya ito hanapin.
Eight years nang single ngayon si Kim at happy naman daw ang kanyang personal life kahit walang espesyal na lalaki sa kanyang buhay.
Nauwi rin sa hiwalayan ang huli niyang relationship sa isang Filipino sa Amerika at in fairness tumagal din sila ng 11 years. Engaged na raw dila nu’ng guy nang mag-decide silang maghiwalay na.
“I had an 11-year relationship. Fiance ko na po. We were supposed to get married, so between Dino (Guevarra, nakahiway na asawa) and my fiance, it was 18 years. So two guys,” ang pahayag ni Kim sa isang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda”.
“Tapos nu’n, hindi na ako nag-boyfriend noong nag-break kami ng fiancĂ© ko. Nag-self healing na lang ako,” saad pa ng dating aktres na isa nang nurse ngayon sa Amerika.
“Naging comfort ko siya. Parang takot ako sobrang ma-in love, ‘yung parang safe lang,” aniya pa. Pero dumating yung araw na, “Nawalan ng love, parang naging magkapatid. You run out of love.”
Patuloy pa niyang kuwento, “Sa kanya ko naintindihan kung ano naramdaman sa ‘kin ni Dino, ‘yung masyadong clingy, ‘yung laging nakadikit, ‘yung parang universe mo ‘yung isang tao.
“That’s why hindi na ‘ko galit kay Dino. When I looked back, ‘yung eight years na single ako, I was trying to figure out what am I doing wrong and what’s wrong with the relationships? And then I realized, ‘yun nga,” ani Kim.
Paglalarawan pa niya sa kanyang ex-fiancĂ©, “Mabait siya, love ako. And then nakita ko ‘yung parang, that was me with Dino. So nawawala pala kapag sobra, it will push you away.”
Pero siniguro naman ni Kim na open pa rin ang puso niya na magmahal uli at hindi rin siya nagmamadali na magka-lovelife. Kung darating at ibibigay daw ito ni Lord, tatanggapin niya nang buong-buo.
The post Kim delos Santos 8 years nang single, na-trauma na nga ba sa lalaki? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments