Anne Curtis pinaiiyak may mental health issue sa ‘It’s Okay To Not Be Okay’

“MISSION accomplished” para kay Anne Curtis ang natatangap na positibong mensahe mula sa mga taong nanonood ng “It’s Okay To Not Be Okay.”
Bukod sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa serye nila sa ABS-CBN at sa Netflix, mas nakakataba raw ng puso ang naririnig at nababasa niyang inspiring comments mula sa madlang pipol.
Kabilang na nga riyan ang pagpapasalamat kay Anne at sa iba pa niyang kasamahan sa Pinoy version ng naturang hit K-drama, ng mga kababayan nating dumaranas din ng mental health problems.
May isang netizen na may mental health issues ang nagpadala ng message kay Anne sa X kamakailan at nagsabing napakalaking tulong sa kanyang laban sa buhay ang “It’s Okay To Not Be Okay.”
Sabi ng X user, iniiwasan na niyang manood ng mga palabas tungkol sa mental health na nagiging “trigger” sa kanyang past trauma pero iba raw ang epekto sa kanya ng serye nila nina Carlo Aquino at Joshua Garcia.
“As someone who has undergone medication for anxiety last year, ayoko na sana manood ng series or movies na naalala ko pa ang lahat at bumabalik ako sa mga trauma ko,” ang pahayag ng nasabing netizen.
“Pero I can’t help to watch It’s Okay To Not Be Okay bcoz of Anne Curtis kahit ’di naman nakakaiyak, nakakaiyak ‘yung scene,” sabi pa niya.
Sinagot naman siya ni Anne ng, “This is why I really wanted to do the series. For people who may have gone through this or are going through this can be seen.
“You got this. Just don’t go through it alone like Mia was doing in the beginning,” payo pa niya sa netizen.
Ang “It’s Okay To Not Be Okay” ay kuwento ni Emilia “Mia” Hernandez (Anne), isang children’s book author na na-diagnose ng antisocial personality disorder, na na-involve sa psychiatric ward caretaker na si Patrick Gonzales (Joshua), na may kapatid namang nasa autism spectrum (Carlo).
Kasama rin dito sina Enchong Dee, Xyriel Manabat, Kaori Oinuma, Francis Magundayao, Agot Isidro, Edgar “Bobot” Mortiz, at Rio Locsin.
The post Anne Curtis pinaiiyak may mental health issue sa ‘It’s Okay To Not Be Okay’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments