Bongbong Marcos hinikayat gawing DOT secretary si Charo Santos

MGA ka-BANDERA aprub ba sa inyo kung sakaling ibigay ni Pangulong Bongbong Marcos sa showbiz icon na si Charo Santos ang posisyon bilang kalihim ng Department of Tourism o DOT?
Umapela kasi kay PBBM ang social media personality na si Jam Magno na ikonsidera ang award-winning actress na si Charo Santos para maging secretary ng DOT.
Napanood namin ang TikTok video ni Magno at dito nga niya ibinandera sa madlang pipol naniniwala siyang karapat-dapat sa posisyon ang host ng iconic drama anthology na “Maalaala Mo Kaya.”
Bukod daw kasi sa brains, beauty si Charo ay taglay din nito ang leadership at management skills na minsan na niyang napatunayan bilang presidente ng ABS-CBN.
“This is a shoutout to President Bongbong Marcos… I’m sure you are pretty much aware that your Tourism Secretary is not performing well.
“I have a suggestion, Mr. President… Have you ever considered Charo Santos to be DOT Secretary? Relax! Let me explain why,” ang pahayag ni Magno.
Ipinagmalaki rin ng social media personality ang pagiging reservist ni Charo na isang patunay kung paano pinahahalagahan ng aktres ang tunay na pagseserbisyo publiko.
“Which also means that she has entertainment, and of course, the undeniable management acumen,” ani Magno.
Never din daw nasangkot si Charo sa anumang isyu ng katiwalian at corruption, lalo na noong pinamumunuan pa niya ang ABS-CBN.
“She’s guwapa, she’s matalino, she has the background, and she got the talent of ABS-CBN! Ayaw mo no’n? You have the best in the entertainment industry,” ang papuri pa ni Magno kay Charo.
Sa isa pang hiwalay na TikTok video ni Magno ay hinikayat din niya si Charo na kanyang ikonsidera sakaling ialok nga sa kanya ni Pangulong Bongbong ang pagiging DOT secretary.
Sa kasalukuyan, ang Department of Tourism ay pinamumunuan ni Christina Garcia Frasco.
The post Bongbong Marcos hinikayat gawing DOT secretary si Charo Santos appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments