Cristy Fermin kay Vice: Nasa palibot mo lang mga ahas na tumutuklaw sa ‘yo!

NIRESBAKAN ng premyadong TV host at manunulat na si Cristy Fermin si Vice Ganda matapos siyang patutsadahan sa “Super Divas” concert nila ni Regine Velasquez.
Inokray-okray ni Vice ang beteranang showbiz columnist sa isang bahagi ng katatapos lamang na concert nila ng Asia’s Songbird sa Araneta Coliseum.
Nang makipagchikahan ang “It’s Showtime” host sa audience ay nakita niya ang magkaibigang Lassy Marquez at MC Muah na magkatabing nanonood sa kanila ni Regine.
Hirit ni Vice sa kanila, “So you made it. Bakit kayo nandito? Magagalit si Cristy Fermin! Akala nila magkakaaway tayo, sisirain ninyo ‘yung narrative. Mawawalan sila ng content.”
Tawanan at palakpakan ang mga nasa Araneta Coliseum habang tawa lang nang tawa sina MC at Lassy sa mga hirit ni Vice laban kay Nanay Cristy.
Kahapon, August 11, sa live episode ng “Cristy Ferminute” sinagot ni Nanay Cristy ang mga patutsada ni Vice at ipinagdiinang hindi sila nag-iimbento ng balita tungkol kay Vice pati na kina MC at Lassy.
“Anong content? Ano? Inimbento namin ‘yong kuwento? Hindi kami nag-iimbento ng kuwento. May binasa kami. Alam mo ‘yan, MC!” ang depensa ng TV at online host.
Hirit pa niya, “Naku, ha! ‘Wag na kayong mag-utuan. At ‘wag n’yo kaming gamitin.”
“Lassy, MC, lalo ka na MC, maano ngang magpakatotoo ka! Ano ba ang sinabi mo kay Vice? Anong malay namin sa nangyari sa Palawan?
“Anong alam namin sa ‘Showtime?’ Anong alam namin sa pagkakaibigan n’yo?” saad pa ni Nanay Cristy.
Dagdag pa niya, “Mag-reality check ka, Vice. Nasa palibot mo lang ang mga ahas na tumutuklaw sa ‘yo. Puwede ba magtigil nga kayo? Magpakatotoo nga kayo!”
Nagsimula ang isyu sa pagitan ng magkaibigang MC at Vice sa ginawa nilang vlog sa Palawan noong May, 2025. Dito, sinita ni Vice si MC dahil hindi raw ito marunong makisama kapag nagbabakasyon sila.
Sa isang episode ng show ni Nanay Cristy ay nagbigay siya sa komento sa ginawang panghihiya raw ni Vice kay MC sa harap ng madlang pipol.
“Masyado akong naapektuhan para kay MC, yung pagluha niya, ‘yung paghagulhol niya,” aniya.
The post Cristy Fermin kay Vice: Nasa palibot mo lang mga ahas na tumutuklaw sa ‘yo! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments