Almira Muhlach ikinasal na sa non-showbiz partner sa Indonesia

IKINASAL na ang aktres na si Almira Muhlach sa kanyang non-showbiz partner na si Erwin Lim sa Bali, Indonesia.
Naganap ang kanilang bonggang wedding sa AYANA Resort sa Bali na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng mga litrato nila ni Erwin na kuha sa mismong seremonya ng kanilang kasal sa Indonesia.
Makikita sa wedding pictures si Almira suot ang kanyang white off-shoulder wedding gown mula sa designer na si Julinne Syjuco.
Naka-classic gray suit naman ang dashing groom para sa very special day nila ni Almira.
Ang mababasa sa caption ng IG post ni Almira, “All in God’s perfect time. A Promise kept, a Prayer answered. Officially Married the Love of My Life.”
Aniya, isang answered prayer ang pagpapakasal nila ni Erwin, “Each step down the aisle was a whisper of ‘Thank You Lord’ for at the end stood the man I prayed for. “
Bumaha naman ng pagbati para sa bagong kasal mula sa mga social media followers ni Almira, kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz.
“Congratulations Miray,” ang message ng aktres na si Sunshine Cruz.
Post ni Donita Rose, “Awwww…congratulations sis!!! I need to hear this story. I’m so out of the loop.”
“All In God’s perfect time. Congratulations again Miray, you looked radiant,” ang pagbati naman ni Jackie Forster.
Mahigit isang taon nang engaged sina Almira at Erwin bago naganap ang kanilang wedding.
Unang nagpakasal ang aktres sa dating basketball player na si Paul “Bong” Alvarez at nabiyayaan ng tatlong anak, kabilang na ang aktres na si Alyssa Muhlach.
The post Almira Muhlach ikinasal na sa non-showbiz partner sa Indonesia appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments