Responsive Ad

Bagyo inaasahang papasok sa bansa anumang oras, tatawaging ‘Gorio’

Bagyo inaasahang papasok sa bansa anumang oras, tatawaging ‘Gorio’
PHOTO: Facebook/DOST-PAGASA

TODO bantay ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa bagyo na may international name na Podul at nasa labas pa ng ating bansa.

Ayon kasi sa forecast ng Weather Specialist na si Obet Badrina, posible itong pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng madaling araw.

Sakaling pumasok ng ating teritoryo, ito ay tatawaging “Gorio.”

Ang bagyo ay medyo malapit sa Pilipinas na huling namataan sa 1,950 km silangan ng Extreme Northern Luzon.

Baka Bet Mo: Bagyo 101: Ang ultimate guide para hindi ma-confuse sa klase ng bagyo, wind signals

Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 115 kph.

Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 20 kph pa-kanluran.

“Maliit ang tsansang magkaroon ito ng direkta epekto sa bansa,” sey ni Badrina sa isang press briefing.

Paliwanag pa niya, “Sa ngayon hindi natin nakikita na masyado nitong palalakasin ang Habagat.”

“Kaya in general po, makikita pa rin natin ‘yung mga generally fair weather sa malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na araw,” ani pa ng weather specialist.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=314&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FPAGASA.DOST.GOV.PH%2Fvideos%2F685535664507126%2F&show_text=false&width=560&t=0" width="560" height="314" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Kahit wala pang epekto ang nasabing bagyo, patuloy na magpapaulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa maraming lugar sa bansa.

Kabilang na riyan ang scattered rains sa Ilocos Region, Batanes, at Babuyan Islands.

Habang isolated rainshowers or thunderstorms naman ang aasahan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.

The post Bagyo inaasahang papasok sa bansa anumang oras, tatawaging ‘Gorio’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments