Responsive Ad

Magdyowang nagpalit ng diaper ng aso sa baby-changing table sa mall boldyak

Magdyowang nagpalit ng diaper ng aso sa baby-changing table sa mall boldyak
Photos from Reddit Any_Fact_2712

NALOKA at naimbiyerna ang mga animal lovers sa viral na ngayong mga litrato ng magdyowa habang pinapalitan ng diaper ang alagang aso sa baby-changing table ng isang shopping mall.

Hindi nila nagustuhan ang ginawa ng naturang couple lalo pa’t isinama pa ng babae sa loob ng female CR ang dyowa niyang lalaki.

Ang mga pictures ay ni-repost sa Facebook ng isang clothing at events management brand na may caption na, “Iba na talaga ang panahon no? ‘FUR PARENT. Men in women’s restrooms. Baby Diaper changing stations turned into pet grooming counters. Society is thriving. Galing!”

Base sa isang report, unang naipost ang mga litrato sa Reddit ng isang netizen na may hanlde name na Any_Fact_2712. Aniya, kuha ang mga litrato noon pang 2021 sa isang mall sa Pampanga.

“Since madami ako nakikita na posts about irresponsible pet owners sa mga public places, share ko na rin yung never ko na makakalimutan way back in 2021. Pandemic era pa to.

“Ginagamit nila sa dog nila yung diaper changing table for babies! Grabe!” aniya pa.

Kasunod nito, sandamakmak na reaksyon ang nakuha ng naturang post mula sa netizens at nagkakaisa sa pagsasabing hindi tamang gamitin ang baby-changing table para sa aso na dapat ay pangsanggol.

“Crazy. I just changed my baby in one of those kahapon. Parang ayaw ko na gumamit niyan bigla.”

“Dog owner ako pero I don’t condone this act. Public hazzard ito. Aware naman tayo na maraming zoonotic diseases na puwedeng ma-transfer ang alaga natin sa ating owners. Unless completely vaccinated and dewormed natin puwede siguro pero wag naman sana yung amnesty for babies.”

“This is still downright disgusting.”

“They should suggest it sa mall admins etc, NOT use the ones INTENDED for babies… human babies.”

May isang netizen naman ang nagkuwento ng nakakalokang karanasan niya sa sa aso. Nang minsang papunta raw siya sa gym ay may nakasakay siyang pasaherong dala ang alagang aso.

Hindi raw niya napansin na inihian ng aso ang kanyang gym bag at tumagos ito sa damit at towel niya sa loob. Nang ipinunas na niya ang towel sa kanyang face ay naamoy niya ang ihi ng aso.

“I was seriously ill. I was vomiting, diarrhea couldn’t eat anything, and was severely dehydrated. I ended up hospitalized with bacterial gastroenteritis, taking up to 16 pills a day to recover.

“So yes, I absolutely adore dogs, but we can’t ignore the real consequences of irresponsible pet ownership.

“Not everything made for humans is safe or appropriate for dogs at dapat please lang, clean up after them and be mindful of others. Let’s also respect each other’s space!” kuwento ng naturang netizen.

The post Magdyowang nagpalit ng diaper ng aso sa baby-changing table sa mall boldyak appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments