Responsive Ad

Cherry White nag-sorry sa pagda-drive nang nakabukaka: Labas kasi BB ko! 

Cherry White nag-sorry sa pagda-drive nang nakabukaka: Labas kasi BB ko! 
Cherry White

NAG-SORRY na ang vlogger na si Cherry White matapos suspendihin ng Land Transportation Office (LTO)  ang lisensya niya dahil sa pagmamaneho nang nakabukaka.

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ng vlogger mula sa netizens nang mapanood ang kanyang viral video habang nagmamaneho na halos makita na ang kanyang “kaluluwa.”

Makikita kasing nakataas ang hita ni Cherry o Cherrylyn Gonzaga sa tunay na buhay, habang nagmamaneho ng sasakyan na ayon sa LTO ay maaaring ikapahamak ng mga kapwa niya motorista.

Sabi ni Acting Assistant Secretary at LTO chief Greg Pua, malaki ang posibilidad na humantong sa aksidente ang ginawang pagda-drive ni Cherry.

Sa Facebook post ng kontrobersyal na vlogger, humingi siya ng tawad sa LTO sa kanyang nagawa na nagresulta sa suspensyon ng kanyang driver’s license.

“Sorry na. mag eebike na  lang ako nadali ako labas kasi bulbull ko e,” ang caption ni Cherry sa kanyang FB post.

Bukod dito, sinabi ni Cherry na isang Facebook page ang nag-upload ng kanyang video na kinunan pa ng three months ago.

“Ito pala ang nagre-upload kaya na-ungkat yung video yari ka sakin pag dating ko ng LTO didiretcho ako NBI kumikita ka ng million dahil sa post ng pagmumuka ko.

“Goodluck sayo ipapasuka ko sayo mga kinita ng page na yan, Nandyan lahat ibendensya na puro mukha ko pinopost mo ng walang pahintulot,” aniya pa. 

Pero inamin nga niya na mali ang kamyang ginawa, “OMG, suspended ako 3 months hahaha nag-prapractice daw ako mag-maneho kamote kasi ako e hahahaha.

“Inaabangan nako ng motor ko sa Pinas sabay is-sususpinde. Kamote kasi,” aniya pa. 

Sa show cause order na inilabas ng LTO, sinabiha si Cherry na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat parusahan sa paglabag sa Section 27 ng Republic Act 3136 na may konek sa reckless driving.

Pinahaharap ng LTO sa Central Office nito na matatagpuan sa Quezon City ang vlogger sa July 16, 11 a.m. para magpaliwanag.

Ayon naman kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon hindi nila hahayaan ang iresponsableng pagmamaneho sa lansangan.

“Paulit-ulit na utos ng Pangulo na dapat ay ligtas ang kalsada para sa lahat. Hindi natin tino-tolerate ang iresponsable at reckless na pagmamaneho,” ani Dizon sa isang press release.

The post Cherry White nag-sorry sa pagda-drive nang nakabukaka: Labas kasi BB ko!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments