Dina Bonnevie may banat sa mga batang artista: ‘Pare-pareho ‘yung mukha nila!’

PINANINDIGAN ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang kanyang honest opinion tungkol sa mga bagong mukha sa showbiz.
Magugunitang pinagpiyestahan ng netizens ang viral video na maririnig si Dina na nagsabing: “Kaya minsan ‘pag tiningnan mo, pare-pareho na ‘yung mukha nila, eh. Parang iisa lang ba ang doctor nito? Nakakalito. Magkamukha nga sila.”
At nang tanungin ang aktres kung ano ang masasabi niya sa dami ng reaksyon sa nasabing clip, sagot lang niya, “It’s true!”
“Tingnan mo ‘yung mga artistang bata. Mga bata pa lang, operada na, ‘di ba? Tapos, kapag may bumati sa akin, ‘Di ba, ikaw ‘yung bumati sa akin kanina?’ Sabi sa akin ni Pinky (Amador), ‘Hindi, mars. Iba ‘yun’,” chika niya base sa ulat ng ABS-CBN News.
Baka Bet Mo: Dina Bonnevie nangungulila pa rin sa namayapang asawa: I miss him so much
Aminado rin si Dina na nalilito na rin siya minsan dahil halos carbon copy na raw ang itsura ng mga bagong artista.
“Sabi ko, ‘Bakit kasi pare-pareho ang mga mukha nila?’ Baka naman pare-pareho ang makeup artist o pare-pareho ‘yung doktor. You’ll be surprised naman kasi pare-pareho sila ng cheekbones, pare-pareho sila ng ilong, pare-pareho ng chin augmentation,” patuloy niya.
Proud ding ibinida ng aktres na hindi retokada ang kanyang mukha kahit nasa 60s na siya ngayon.
Throwback niya pa nga, noon daw ay kailangang may face value talaga para makapasok sa showbiz.
“Sabi ko, bakit noong panahon namin, either maganda ka, artista ka. Or pinabili ka ng suka, artista ka, komedyante ka. E, ngayon, kahit ubod ka ng ‘shongs,’ puwede ka na,” Kwento niya.
Hindi rin siya pabor sa mga “before and after” transformations na nauuso ngayon: “Ayaw ko namang malagay sa before and after. Tingnan mo ‘yung before and after ko, ‘yun pa rin.”
Dahil diyan, ibinahagi ni Dina ang throwback comparison ng kanilang henerasyon sa kasalukuyan.
“Iba naman ‘yung mukha ni Lorna (Tolentino) sa akin. Iba naman ang mukha ni Snooky (Serna), ni Maricel (Soriano). Kaya nga sabi ko, sa era namin, hindi uso ‘yun. But now, tingnan mo, manood ka ng TV, ‘Parang ito ba si ganyan? ‘Di ba, ‘yan ‘yung bida ng ganyan?’,” sey niya.
Pauloy na kwento niya, “Tapos, sasabihin ng PA (personal assistant) ko, ‘Hindi. Iba ‘yun.’ ‘Hindi, ‘di ba, ‘yan ‘yung bida ng ganyan? Bakit pareho yung mukha?’ Kasi nga, pareho ‘yung doktor.”
Pero paglilinaw ng aktres, kahit may patama ang kanyang komento, wala raw siyang tinutukoy na kahit sinong artista.
“People are putting words into my mouth. Wala akong binanggit na pangalan!” giit ni Dina.
Sa nasabing viral post kasi, makikita ang pictures nina Jane de Leon at Alexa Miro para umano patunayan ang sinasabi ni Dina.
Pero ang depensa diyan ng batikang aktres: “I didn’t name names. Kasi, sa totoo lang, I’ve never met Jane de Leon in person. I’ve never met Alexa Miro in person. I’ve never met them.”
“That’s putting words into my mouth,” aniya pa.
The post Dina Bonnevie may banat sa mga batang artista: ‘Pare-pareho ‘yung mukha nila!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments