Joshua Garcia kinikimkim ang mga problema, hindi nakakasama ang pamilya

SA mga pinagdaraanan niya sa buhay humuhugot si Joshua Garcia kaya napakahusay niyang umarte at sa 11 years niya sa showbiz ay naka-42 awards na siya and still counting.
Ito ang isa sa ipinagtapat ng aktor sa media at mga vloggers kamakailan para sa Filipino adaptation ng Korean drama na “It’s Okay To Not Be Okay.”
Gagampanan ni Joshua ang karakter na Patpat, caregiver sa mga pasyenteng may mental health issues tulad ng gumaganap na kuya niya sa serye na si Carlo Aquino bilang si Matmat na may autism.
Mahalaga ang role ni Joshua sa serye dahil sa kanya nakasandal pareho sina Matmat at Mia played by Anne Curtis, na author naman ng mga pambatang libro at may personal ding problema.
Sa mediacon ng “It’s Okay To Not Be Okay” ay nabanggit ng aktor na naka-relate siya sa role niya bilang mapagmahal na anak at supportive brother sa mga kapatid.
Kaya sa recent interview niya together with Direk Mae Cruz-Alviar na ginanap sa Dean & DeLuca ay natanong kung kumusta ang aktor kapag may problema siya at paano niya ito nalulutas – nase-share ba niya ito sa mga kapatid niya o pamilya.
Nalungkot kami dahil sino-solo pala lahat ng aktor kapag may problema siya dahil matagal na pala silang hindi nagkikita ng kanyang pamilya.
“Actually ngayon ay hindi na kami masyadong nagkikita-kita ng pamilya ko, siyempre busy na rin kami sa mga sari-sarili naming buhay,” kaswal niyang sagot.
Pero hindi pa rin daw tumitigil si Joshua sa pagsuporta sa pamilya.
“Ako sinusuportahan ko pamilya ko, ‘yung ate ko sa pag-aaral niya at sa mga gusto niyang gawin (napangiti), I think maparamdam lang namin sa isa’t isa na nandiyan kami, ang laking tulong no’n,” lahat ng aktor.
Paano hinaharap ni Joshua ang mga problema niya at sino ang karamay niya sa mga ganitong pagkakataon?
Matagal bago nakasagot ang aktor at napangiting sabi, “Wala! Hindi ako ganu’n klaseng tao malihim kasi ako, so, lahat ng problema sinasarili ko which is mali.
“And I think maraming makaka-relate sa akin sa ganyan. I think ang magandang mapag-sharean mo ng ganyan ay mga kaibigan mo o pamilya mo. Ako hindi ko alam, eh, mas okay ako na sa akin lang muna saka naging outlet ko rin kasi ‘yung pag-arte, doon ko nailalabas pero ngayon okay naman ako na akin na lang muna,” aniya.
Sa kuwentong ito ni Joshua ay bagay sa kanyang sabihin ang “It’s Okay To Not Be Okay” dahil sa kanilang tatlo nina Anne at Carlo ay siya ang walang karamay sa personal na pinagdaraanan.
Si Anne kasi ay kapiling niya ang anak na si Dahlia at asawang si Erwan Heussaff, samantalang si Carlo naman ay nasa honeymoon stage pa rin ng asawang si Charlie Dizon.
Sa mga sandaling kausap namin si Joshua ay naramdaman namin ang lungkot na itinatago lang niya kaya pala pansin naming inaalalayan siya ni direk Mae, marahil ay ramdam din nito ang pinagdaraanan ng artista niya.
Labis na nagpapasalamat si direk Mae sa Star Creatives at ABS-CBN Studios para sa “It’s Okay To Not Be Okay” dahil awareness din ito sa mga taong may dinadaanan sa buhay para magkaroon din ng ideya ang tulad nila by watching this Pinoy adaptation.
Mapapanood na ang serye simula sa July 18 na unang mapapanood sa Netflix at sa iWant at Kapamilya Channel pagkalipas ng isang lingo.
The post Joshua Garcia kinikimkim ang mga problema, hindi nakakasama ang pamilya appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments